HER SWEET GESTURE

351 9 0
                                    


"Let me" inabot ko ang bag n'ya.

Inilayo naman n'ya agad sakin. Para s'yang palaging naiilang. Kasi naman, ang mga kaklase namin, kung makatingin para kaming gumagawa ng krimen.

PDA? No. We're not even touching.

"Kaya ko na, Kipp" mahinang sabi n'ya at tumayo na.

"At least let me carry your lunch box" pilit ko pa.

Thank God at inabot na n'ya ang baonan n'ya sakin.

Tumayo na din ako at lumakad na kami palabas sa pinto. Kasabay na namin si Trey sa pagbaba. Dinaanan na muna namin si Dara sa classroom nila bago kami tuluyang bumaba.

"Kayo na?" tanong ni Dara.

"No" sagot ni Dax

"Not yet" sagot ko naman

"Paano naman nanliligaw si Kipp? Puro landi?" nakangising tanong ni Dara.

"Puro kakornihan" sagot naman ni Trey.

Pabirong sinapak ko ang braso n'ya. "Thanks sa moral support n'yo. It really helps a lot"

Nagbiruan nalang kami habang palabas ng gate.

"Marron!" malakas na tawag ni Trey sa kapatid ko na nakikipaglaro ng habulan sa mga kaklase n'ya. Humuhulas na s'ya sa pawis. Nagpaalam s'ya sa mga kalaro n'ya at tumakbo na palapit samin.

"Uwi na tayo? Kanina pa kita hinihintay" reklamo n'ya.

I crossed my arms and look at her from head to toe. "Mukhang inip na inip ka nga sa paghihintay sakin" sarkastikong sabi ko.

She hit my arm. "Ano naman gusto mo, Kuya, tumunganga ako sa isang tabi?"

I got my towel from my bag and handed it to my sister. "Magpunas ka nga ng mukha mo"

Inabot naman n'ya ang bimpo at pinunasan ang pawisan n'yang mukha.

"Tsk" napapalatak nalang ako habang pinapanood s'ya.

Si Trey na ang hindi nakatiis at inabutan pa ng isang bimpo si Marron.

Napatingin ako kay Dax nang kunin n'ya ang cellphone n'ya at may binasa. Nakisilip na din ako. Curious ako kung sinong nag-text e.

"Punta ka daw sa guidance" sabi ko sa kanya.

"Ako din" sabi ni Trey na binabasa din ang cellphone n'ya.

Nagtaas ng kilay si Dara. "PDA na naman? Dapat si Kipp"

"Hindi naman siguro" sabi ni Dax. Bumaling s'ya sakin. "Punta muna ko d'on"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Intayin na kita dito"

"Sabay na tayo" yaya sa kanya ni Trey.

Nang makaalis silang dalawa ay umupo na muna kaming tatlo sa isang bench.

"In love ka ba talaga kay Ate Dax, Kuya?" tanong bigla ni Marron habang kunot na kunot ang noo sakin.

Mahinang natatawa si Dara sa isang tabi habang pumipindot sa cellphone n'ya.

Tumanaw ako sa mga ulap. "Ewan. Hindi ko naman alam kung ano ba 'yong mahal mo na. Alam ko lang gusto ko s'ya" At hindi ko din alam kung bakit sineseryoso ko ang kapatid ko. "I don't know how one can say that he's in love. Sabi ni Nanay, ma-re-realize mo nalang 'yon bigla. Na kulang na 'yong word na 'like' para sa nararamdaman mo sa isang tao. Saka mo lang malalaman na 'love' na pala"

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon