RULE NUMBER ONE

394 8 0
                                    


Tahimik ako sa upuan ko habang hinihintay ko si Skipper na matapos makipag-usap sa mga ka-group n'ya. Maya't maya ay sumusulyap s'ya sakin at halatang madaling-madali na s'ya na makakawala sa mga ka-group n'ya.

Napapangiti nalang ako.

One week palang kami pero sobrang effort n'ya sakin. Ang sarap sa pakiramdam.

And there's no regret.

Madami ang nagsasabi sakin na masyado pa akong bata para pumasok sa isang relasyon. At madami ang nababahala na baka matulad ako sa nangyari sa Mommy ko. Isa lang naman ang sagot ko. Boyfriend lang naman, hindi asawa. At iba si Mommy, iba ako. Hindi ako ma-de-define ng pagkakamali ng Mommy ko.

Bata pa rin naman si Skipper. Paraho lang kami. Pareho kaming nangangapa pa kung paano ba ang in a relationship.

Isang linggo palang, pero madami na kaming natututunan. Lalo na sa isa't isa

"Tara na?" yaya sakin ni Kipp nang lumapit s'ya sakin.

Pinapanood kami ng mga kaklase namin na nasa room pa. Ngumiti lang ako sa kanila.

Kakain lang kami sa labas pero magpapasukat muna kami ng para sa costume na gagamitin namin sa United Nations. Sumali kami kasi gusto ni Kipp. Para matuloy na daw ang naudlot noong nakaraang taon sa Buwan ng Wika.

Si Skipper ang may dala ng bag ko. Ang tanging dala ko lang ay ang baunan ko.

"Wala si Tita Tats ngayon. Nasa Davao sila ni Tito Mac. 'Yong assistant lang n'ya 'yong magsusukat satin" sabi n'ya habang naglalakad kami papunta sa gate kung saan naghihintay ang driver n'ya na si Kuya Marlon.

Naiilang ako sa mga tingin samin ng ibang mga istudyante. Tapos ay magbubulungan sila.

"Hey" untag sakin ni Kipp.

Napatingin ako sa kanya.

"Kapag naapektuhan ka sa kanila, makikipag-away ako" babala n'ya

Natawa nalang ako at pinitik ko ang noo n'ya. "Sira"

Ngumuso s'ya at hinimas ang noo n'ya. "Alam mo naman na priority kita. Ayoko na may mga bagay na nakakasakit sa'yo."

Napangiti nalang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Binilisan ko din ang lakad ko para mauna ng konti sa kanya.

Nakakakilig naman.

"Aiyana ko" tawag n'ya sakin.

Tumikhim ako at nag-poker face bago ako tumingin sa kanya. "Bakit 'Aiyana ko' ang tawag mo sakin?" tanong ko.

Nagkibit s'ya. "Ang sarap bigkasin. Aiyana"

"Aiyana means endless beauty" sabi ko sa kanya

Napataas s'ya ng isang kilay. Ang cute n'ya lang kapag ganyan. "It suits you. You're so beautiful" malambing na sabi n'ya

Minsan, ang hirap paniwalaan na fifteen lang si Skipper. Kapag nagpapakilig kasi s'ya, parang binatang-binata na ang dating. 'Yong ibang fifteen kasi, puro laro pa ang nasa isip. Itong si Skipper, puro pag-ibig.

Swerte ko lang na ako ang minahal n'ya.

Mahal.

Oo nga, tinutuklas pa namin kung totoong pagmamahal na ba 'yong nararamdaman namin sa isa't isa.

Pero sa tuwing nagsasabihan kami ng 'I love you' ang sarap sa pakiramdam.

"Mahal mo ko kasi maganda ako?" tanong ko kay Kipp

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon