A TIRING DAY

303 7 0
                                    


"Ang gwapo naman ng aguador mo, Emily" malaki ang pagkakangisi na sabi ng isang may edad na babae na malapit sa pwesto namin.

Ngumisi din ang Lola ni Dax. "Manliligaw ng apo ko. Sinusubukan ko na ngayon palang"

"E ang bata pa ni Dang. Baka naman matulad sa ina. Ilayo mo sa tukso, Emily. Sinasabi ko sa'yo" sabat ng isa pang ale.

Hinampas s'ya ng isa pang ale na mas bata ang edad. "Mukhang anak mayaman naman. Hayaan mo na" mahinang bulong n'ya pero narinig ko naman

Tahimik na pinapanood ko lang ang paligid ko habang nakaabang ako sa container na pinupunuan ng tubig mula sa hose. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakarating sa lugar na ganito kagulo. Sa probinsya ay marami ang payak at simple lang ang pamumuhay pero hindi ganitong maingay ang paligid, madaming nagmumura, ang mga bata ay nagtatakbuhan sa kalsada na mga mukhang gusgusin, may mga manginginom sa tapat ng mga tindahan, may mga nagkukumpulan na mga babae na nag-ku-kwentuhan tungkol sa buhay ng mga tao, at kung anu-ano pa na ngayon ko lang nasaksihan.

Nakisali na din ang Lola ni Dax sa isang kumpulan ng mga kababaihan na nag-ku-kwentuhan.

Bigla ko tuloy naisip si Dax. Paano n'ya nagagawang mamuhay sa ganitong kagulo na kapaligiran. At base sa nakikita ko na 'sing edad namin na mga nandito, ibang-iba si Dax sa kanila. Hindi ko lubos maisip na isa si Dax sa mga taong 'to.

Nang mapuno ko na ang anim na container ay nag-aalinlangan pa ako kung tatawagin ko na ba ang Lola ni Dax.

"Boy, bayad mo!" sigaw sakin ng ale na nagbabantay nang akmang itutulak ko na ang kariton paalis.

Kumunot ang noo ko. Ano'ng bayad? Sa amin ay libre ang rasyon ng tubig para sa mga tao.

"Beinte-kwatro lang naman, tatakbuhan mo pa? Mukha ka pa namang mayaman" nakataas ang isang kilay na sabi n'ya.

Napatingin ako sa kanya. Tila nag-papa-cute pa s'ya sakin. Iniwasan ko nalang na ngumiwi. That'll be rude.

"Magkano po?" tanong ko nalang

Ngumiti pa s'ya. "Twenty four lang. Pero sa'yo pwedeng bente nalang dahil ang pogi mo" malambing na sabi n'ya. "Pa-kiss ako kahit sa pisngi lang, libre na" kumindat pa s'ya

Napangiwi na talaga ako. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at kumuha na ako ng one hundred bill at inabot sa kanya.

"Ay! Wala ka bang barya?" tanong n'ya

"Wala. Keep the change nalang" nagmamadaling sabi ko ay tumalikod na. Kinikilabutan na ko sa kanya.

Dumaan ako sa may harap ng kumpulan kung saan kasama ang Lola ni Dax.

"Tapos na ho" magalang na sabi ko sa kanya.

Nagpaalam s'ya sa mga kausap n'ya at kinayag na ako pauwi sa kanila.

"Ay, teka! Hindi ko pa nababayaran!" pigil sakin ng Lola ni Dax

"Nabayaran ko na ho" magalang na sabi ko at tinuloy na ang pagtulak sa kariton

Hindi na s'ya kumibo at tinuloy na namin ang paglakad. Pitong block ang layo ng igiban sa bahay nila Dax. Medyo matagal din kaming nawala. Baka hinahanap na ko ni Dax dahil bigla naman akong hinila ng Lola n'ya paalis.

"Mukhang sanay na sanay ka sa ganyan. Sa mabibigat na gawain ba" puna n'ya nang medyo malapit na kami.

Pilit na inignora ko nalang ang mga tingin ng mga tao sakin. Ganito marahil dahil bago ako sa paningin nila.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon