Eighteen Roses

764 29 3
                                    


Cassidy Eulia Vergara

I giggled while wiping my father's tears. Wala akong ideya kung bakit s'ya lumuluha.

Moises Nexiel Vergara was my first dance. We're now on the last part of the program for my eighteenth birthday, the eighteen roses.

"Papa, why are you crying po ba?" tanong ko sa kanya.

"My princess is now a lady," he said with a warm smile on his lips.

I smiled sweetly at him. "'Pa naman! Debut pa lang 'to, hindi pa po ako magpapakasal," natatawang sabi ko.

Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Babalatan ko muna nang buhay si Del Bosque bago ka n'ya makuha sa akin."

Hinampas ko ang balikat ni Papa. "Ang OA mo, 'Pa."

He chuckled. "Hindi ko nga na-expect na ganito pala ang pakiramdam. Parang kailan lang baby pa kita. Ako ang napupuyat dahil iyakin ka, lalo na kapag madaling araw. Dati kapag papasok ako sa opisina, habol ka nang habol sa akin. Madalas pa, kasama kita kahit saan ako magpunta. Tapos ngayon, iba na ang gusto mong kasama," he smiled, but there were tears at the lids of his eyes. "I used to be your knight in shining armor. Ako ang ultimate love mo."

Naiyak na din ako. Yumakap ako kay Papa. "Ikaw pa din naman ang ultimate love ko. Ikaw pa din ang first love ko. Ikaw pa din ang dream guy ko, at ang knight in shining armor ko. You'll forever be my number one," malambing na sabi ko.

Hinalikan ni Papa ang noo ko. "I love you, my princess. You'll always be my favorite girl."

I giggled. "I will forever be your baby girl."

Tumagal pa ang sayaw namin ni Papa.

Ang next dance ko ay si Miel.

"Pinaiyak mo si Papa," natatawang sabi n'ya pagkakuha pa lang ng kamay ko.

"Kasalanan ko ba 'yon?" nakangiting tanong ko.

Tumawa s'ya. "Soon, our princess will be someone else's queen."

Nag-makeface ako sa kanya. "Pareho na lang kayo ni Papa."

He chuckled. "You're so beautiful, Ate"

"I know," mayabang na sabi ko.

He smirked. "Ngayong gabi lang."

After Artamiel, I swayed Elai then I danced with Dada. He's a little emotional too. Then Tatay Neil followed Dada.

"Kung makaiyak naman sila Kuya, parang engagement party 'to," natatawang sabi ni Tatay.

"Kaya nga po," natatawang sagot ko. "Baka kapag si Marron na, iiyak din kayo."

"Hindi din," he confidently said. "Wala namang suitor 'yong anak ko. Nagkakaganyan lang naman si Kuya Nex dahil kay Tristan."

Ngumuso ako. "OA nga po ni Papa."

"Hindi mo naman masisisi si Kuya. You're his baby girl," he gently smiled at me.

Humalik din si Tatay sa noo ko bago ako ipasa kay Tito Troy. Tapos ni Tito Troy ay si Tito Trent, sunod ay si Tita Eric. Skipper, Nixon, Trey, kuya Nexus, Ram, Finn, Alister and Calix.

"My turn," seryosong sabi ni Cole kay Calix.

Ipinasa ni Calix kay Cole ang kamay ko.

Tahimik lang naman kami ni Nicholas habang sumasayaw. As usual, he's frigid.

"Hindi ka ba marunong mag-smile?" nanunuksong sabi ko.

Inirapan lang naman n'ya ako.

Tinawanan ko na lang si Cole. Kapag ganito 'tong lalaki na 'to, hindi na ako magtataka kung tatanda na lang s'yang binata.

Medyo matagal din kaming nagsayaw bago lumapit si Tristan.

Makita pa lang s'ya, kinikilig na ako. Ang gwapo n'ya kasi!

Mukhang masama pa din ang timpla ni Cole nang ipasa n'ya ako kay Tantan.

"You look so lovely tonight, my princess," he sweetly said then kissed the back of my palm before he swayed me with his body.

With Tristan around, everything feels magical.

We danced together. We're silent as if our hearts were speaking for us. Every step we take, feels like we're floating in the air.

I don't know how long we danced. It felt like a dream that I would never want to wake up from.

"I love you, Tristan," it slipped from my mouth before I even knew it.

Naramdaman ko na natigilan s'ya.

Even with my flushed face, I managed to look at him in the face.

His lips were a little bit parted as he stared at me with shocked expression.

"H-Hey," I nervously uttered.

His lips slowly formed a warm smile. "I love you more, Cassidy," he sweetly said.

He pulled me closer then we danced in a sweeter manner.

Kahit na na-announce na ng emcee na tapos na ang program at malaya na ang mga bisita na gawin ang mga nais nila, hindi pa din kami bumibitiw ni Tristan sa isa't isa.

Napalayo lang kami nang magsalita si Papa sa gilid namin.

"May I dance with my daughter?" seryosong tanong n'ya.

Ipapatong na sana ni Tristan ang kamay ko na nakalahad na kamay ni Papa pero bigla naman iyong kinuha ni Mama.

"Let them enjoy the night, Nex," natatawang sabi ni Mama at hinila na si Papa palayo.

Natawa na lang kami ni Tristan at tinuloty na namin ang pagsayaw.

Nang makaramdam ako ng pagod ay niyaya ko si Tristan na maupo na muna. Hinatid n'ya ako sa trono ko sa gitna ng stage.

"I'll get you something to drink," he said before walking away.

I watched everybody with a warm smile. Masaya ako na maayos na naidaos ang party ko. Mukhang masaya naman ang lahat. At ako ang pinakamasaya.

Ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin kay Tristan na mahal ko s'ya.
At masarap na naamin ko na sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya.


_____________________________

December 30, 2016 - 14:30

February 13, 2018 - 01:09

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon