HE'S OFFICIALLY HERS

498 7 0
                                    

"Bakit ayaw mo maglaro, Kipp?" tanong sakin ni Dax habang nakatambay kami sa bleachers at kumakain ng popcorn.

Kasalukuyang pinapanood namin ang pag-wa-warm up ng team namin sa basketball.

Sumubo na muna ako ng popcorn bago ko s'ya nilingon. "Kaya na nila 'yan"

Ngumuso naman s'ya. "Baka hindi ka na maging MVP"

"Kapag 'di na ko MVP, ayaw mo na sakin?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot naman s'ya. "Mas pabor nga sakin 'yon e. Para hindi ka na masyadong pansinin ng mga babae"

Mapangisi ako. "'Yon naman pala e"

Umiling s'ya. "But I want you to achieve something for yourself. That's your passion, Kipp. Ayoko naman na dahil tayo na, titigil mo na 'yong growth mo"

Ang sarap naman pakinggan n'ong 'tayo na'

I gently pinched her cheek. "Don't worry, my Aiyana. Noong hindi pa nga tayo, nag-go-grow na tayo, I am sure life will be better now that we're together"

"Inspiration?" she asked

I nodded. "And drive"

Kumunot ang noo n'ya.

I smiled at her. "Because I will forever prove my worth to you. I don't want to give you reason not to want me. I don't want people to see something wrong with me. Ayoko na may masabi sila na hindi ako bagay sa'yo"

Specially her Lola.

I really love how her cheeks blush.

"Parang ako nga ang hindi bagay sa'yo" she said. "I mean, look at you, you're Skipper Clint Vergara. You came from a powerful and influential family. While me, I came from a broken one. I am honestly worried that your family will disapprove me."

I moved closer to her. I want to drape my arm on her shoulder but I didn't dare. I don't want to create an issue.

"They already like you" I smiled at her. "Why are you thinking so little of yourself?"

"Hindi kasi ako masyadong naniniwala sa Cinderella story" seryosong sabi n'ya

"Pero hindi ka naman Cinderella" kinuha ko ang kamay n'ya. Hinaplos-haplos ko ang palad n'ya. "Mas malambot pa nga ang palad mo kaysa sakin. Kapag nag-holding hands nga tayo, mahihiya ang kamay ko sa'yo. Your hands are so soft and smooth, while mine are rough and calloused"

Natawa s'ya. "Nahiya ka pa talaga nang lagay na 'yon a? Halos 'di mo na binitiwan 'yong kamay ko sa loob ng dalawang oras"

"Because I worked hard for it" I chuckled. "And it's really nice feeling your warmth"

"Skipper, may sasabihin ako sa'yo" seryosong sabi n'ya. Her face was serious

Sumeryoso din ako. "Ano 'yon?"

Huminga s'ya ng malalim. "Natatakot ako na mahalin ka"

Napakurap ako sa sinabi n'ya. I put her face between my palms. "Why?" takang-taka na tanong ko.

Hindi ko mahuli ang tingin n'ya. "Because the thought that you're just doing this because you see me as a challenge is frightening. Paano kung gusto mo lang pala ako dahil iba ako sa karaniwang mga nakakasalamuha mo? Paano kung gusto mo lang pala ako dahil challenge ako para sa'yo? Na lahat ng bagay mula sakin ay dapat mong paghirapan. Paano kung dumating 'yong panahon na mahal na mahal na mahal na kita tapos ibibigay ko na sa'yo ang lahat, at hindi na ako challenge sa'yo. Natatakot ako na mawalan ka na ng gana sakin"

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon