Move On

1.3K 40 5
                                    

Briana Keith Salcedo

I slowly clapped my hands.

Oh, God! May mas hihirap pa ba sa pagiging masaya para sa lalaking mahal mo dahil kapiling n'ya ang babaeng mahal n'ya?

Aba'y nakakaputangina!

"Mommy, lalabas lang po ako," paalam ko at kahit na pinipigilan ako ay umalis pa din ako.

Sa paglabas ko sa bulwagan kung saan ginaganap ngayon ang birthday ni Cassidy Vergara, sumabay sa akin si Redrick Kristoffer Goani.

"Ang aga mo yatang sumuko?" mapang-asar na sabi n'ya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap s'ya. Binigyan ko s'ya ng masamang tingin pero mukhang mas ikinatuwa naman n'ya 'yon.

"Tangina mo. Tigilan mo ko," naiinis na sabi ko sa kanya at lumakad nang muli.

Ayokong magsayang ng oras sa mga walang kwentang tao.

"Masakit ba, Bria?" nakakalokong tanong n'ya pa.

Hindi ko s'ya pinansin at hindi ko na din nilingon kahit pa sumasabay s'ya sa akin.

"Parang engagement na din ni Tristan at ni Casey 'to. Everybody's happy for them," patuloy n'ya pa. "Are you happy for them?" tanong n'ya sa akin sa mapang-asar na tono.

I matched his grin. "I will be ecstatic to see your face wiping the dirt on the wheels of my car."

He raised a brow on me.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat n'ya at tinuhod ang pagitan ng mga hita n'ya. Sadly, nasalag n'ya ang tuhod ko.

"Don't harm my treasure, baby. Girls will cry," mayabang na sabi n'ya.

Sa inis ko ay tinulak ko na lang s'ya bago ako sumakay sa kotse ko na nag-aabang na sa akin. Malaki ang parking space dito sa Hacienda Vergara kaya kasya ang lahat ng mga sasakyan namin at hindi na kailangan na doon pa sa labas ng bakuran ng mansyon nila.

Hindi na ako nagulat nang sumakay din s'ya.

This kid won't stop pestering me.

"Pero ano nga ba ang pakiramdam? 'Yong lalaking sobrang mahal na mahal mo, may iba nang mahal?" tanong n'ya sa kyuryosong tono. Galing din umarte ng gagong 'to.

Iniangat ko ang kanang kamay ko mula sa manibela at malakas na sinuntok ang ilong n'ya. Napangisi na lang ako nang humiyaw s'ya sa sakit.

"Ganyan kasakit. Mga times ten pa," natatawang sabi ko at nagmaneho na.

Hindi na kayang bilangin sa lahat ng daliri ko kung ilang beses n'ya kong minura.

Sanay naman na ako kay Red. Misyon na yata n'ya sa buhay ang bwisitin ako.

Ang nakakainis lang naman ay nang malaman n'ya ang nararamdaman ko para kay Tristan. Wala akong ideya kung paano n'ya 'yon nalaman, pero mabuti naman na nananahimik s'ya tungkol d'on.

"Top down," sabi n'ya nang makabawi-bawi na sa sakit ng ilong n'ya.

Pinagbigyan ko naman na s'ya. Gusto ko din naman ang pakiramdam ng hangin na tumatama sa balat ko. Bihira din naman na makalanghap ng sariwang hangin at bihira na mapakinabangan ang convertible na sasakyan sa Maynila.

Dahil malayo pa ang labas ng Hacienda mula sa mismong mansyon, binilisan ko na ang pagmamaneho. Napapahiyaw na lang ako sa kakaibang adrenaline.

"Baka makasagasa ka ng tauhan nila!" babala ni Red.

"Nasa party ang lahat, tanga!" sagot ko sa kanya.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon