MISS GRAY EYES

548 11 1
                                    

I am busy checking myself on the mirror. And I am satisfied on what I am seeing.

"Trey, may ganito ka na ba?" nilingon ko si Trey na nakaupo sa kama at abala sa PSP

Naiinip na ako sa kakahintay sa kanya na tumingin sa akin, pero hindi niya maalis ang tingin sa PSP. Ganyan naman talaga ang gagong 'yan.

"Fck!" inis na sigaw niya at itinapon na ang PSP sa kama.

Sa wakas na-dead.

Tumingin siya sa akin kaya tinuro ko ang guhit sa tyan ko. Mayabang na ngumisi ako.

Tumayo siya sa paanan ng kama at inangat ang t-shirt niya.

"Ano sa palagay mo?" mayabang din na sabi niya at ipinakita sa akin ang abs niya.

Hindi na iyon nakapagtataka dahil halos naman lahat ng ginagawa ko para magka-abs ay ginagawa din niya.

Nakaka-bading, pero palagi kaming magkasama at magkasundo kami sa lahat ng bagay. Para na nga daw kaming kambal-tuko.

Kapag may pasok sa school ay nasa bahay nila kami nakatira at kapag bakasyon ay dito kami sa hacienda.

Isinuot ko na ang t-shirt ko at niyaya na siyang lumabas ng kwarto.

"Nanay, ihahatid niyo po ba kami bukas?" tanong ko kay Nanay nang makita ko siya sa sala.

Sa Lunes kasi ay pasukan na naman.

"Oo. Pero doon na muna tayo sa Lola mo. Sa Linggo na ng umaga kayo ihahatid kila Trey tapos babalik na din kami dito" sagot niya sa tanong ko.

Tumabi ako sa kanya sa sofa at si Trey naman ay dumapa sa tabi ni Marron at nakilaro sa mga kapatid ko ng snake and ladders.

"Kailan po tayo uuwi sa bahay natin doon?" malambing na tanong ko kay Nanay at humiga sa kandungan niya.

Ibinaba niya ang binabasang magazine at hinaplos ang buhok ko.

"Kapag nag-high school na si Candice" nakangiting sagot niya.

Ang mga kapatid ko kasi ay dito sa Masbate nag-a-aral at ako lamang ang sa Maynila. Gusto ko doon dahil kaklase ko sila Trey at Dara. Kila Tito Troy ako nakatira kaya pumayag na din si Tatay. At twice a month ay umuuwi ako dito kasama sila Tito Troy at Trey, minsan sinusundo ako ni Tatay.

Kinabukasan, Biyernes, ay maaga akong nagising. Hindi pa nga sumisikat ang araw ay nag-bihis na ako ng running attire. Pinuntahan ko si Trey sa kabilang kwarto at ginising.

"Nakakatamad" angal niya nang gisingin ko siya.

Hindi ko na siya pinilit at lumabas na ako ng bahay.

Mga fifteen minutes akong nag-stretching bago ako nagsimulang tumakbo.

Madilim pa pero hindi naman nakakatakot. Kilala ako ng lahat ng tao dito at alam ko na safe ako hanggat nasa teritoryo ako ng mga Vergara.

Mga isang oras na akong tumatakbo nang maisipan ko na magpahinga na muna. Nilakad ko na lamang ang pinakamalapit na kubo na nakita ko.

Nagwawalis si Mang Ernesto sa bakuran nila. Agad na binati niya ako nang makita ako.

"Kipoy, ang aga natin a" nakangiting sabi niya

'Kipoy' ang tawag nila dahil hindi uso dito ang 'Kipp'. Karaniwan kasi ay '-oy' nagtatapos ang mga palayaw dito sa lugar namin.

Ngumiti din ako sa kanya. "Oho. Pauwi na kami ng Maynila mamaya kaya inagahan ko ang gising. Ma-mi-miss ko ho kasi ang pagtakbo dito. Hindi kasi ganito kasarap ang simoy ng hangin sa Maynila"

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon