T

1K 23 6
                                    


Cassidy Eulia Vergara

Ako si Cassidy Eulia Vergara, panganay na anak nila Courtney Elaine Vergara at Moises Nexiel Vergara. Madalas nila akong tawaging Casey, at ayos lang sakin 'yon dahil masyado naman talagang mahaba ang 'Cassidy'. May dalawang kapatid ako, na parehong lalaki.

Tatlong taon ang tanda ko kay Artamiel. Dati ay Michael ang pangalan ni Miel, pero nang apat na taon s'ya ay na-kidnap s'ya at nagkaroon s'ya ng trauma kaya minabuti ng pamilya na bigyan s'ya ng bagong buhay kaya pinapalitan ng Artamiel ang pangalan n'ya. Matagal din kaming nanirahan sa Canada para makatulong sa kapatid ko. Masyadong naging traumatic kay Miel ang pangyayari na kahit maliit na bagay lang na makakapagpaalala sa kanya noon ay nagiging balisa na s'ya. Nang maging maayos na s'ya matapos ang mga therapy n'ya, bumalik na kami ng Pilipinas at naging normal na din ang buhay n'ya.

Ang bunso naman namin ay si Eladriel na nakatuwaan na naming tawaging Elai. Labing-apat na taon ang tanda ko kay Elai. Hindi na inaasahan nila Mama ang pagdating ni Elai kaya isang malaking blessing s'ya sa pamilya.

Ngayon ay sa Vergara mansion kami nakatira kasama sila Dada Nate na panganay na kapatid ni Papa, at ang pinsan ko na si Nixon Gareth. Namatay ang Mommy ni Nixon na si Mama Gee nang ipanganak si Nixon kaya walang asawa si Dada. Masyadong committed si Dada kay Mama Gee at hindi na s'ya nagmahal pa ng ibang babae.

Ang Lolo at Lola ko sa side ni Papa na sila Mama Nat at Papa Francis ay magkasunod na nawala nang labing-isang taon ako. Hindi na nga nila naabutan si Elai. Ang Lola ko naman sa side ni Mama ay kamamatay lang noong isang taon at ang Lolo ko ay nagiging suki na ng ospital dahil sa diabetes n'ya.

May kapatid pa si Papa na bunso, si Tatay Neil. Gustong-gusto ko kapag nagbabakasyon kami sa hacienda nila sa Masbate. Mabait si Nanay Cleo at kasundo ko ang mga anak nila.

Mas matanda lang ako ng apat na buwan sa pinsan ko na si Skipper Clint. Si Kipp ang pinakamakalokohan na taong kilala ko. Ang sabi ni Mama ay katulad daw ni Papa at ni Tatay Neil si Kipp. Partners in crime pa sila ng best friend n'yang si Trey Greggory Amante. Medyo seryoso sa buhay si Trey pero madami din s'yang kalokohan sa katawan. At nararamdaman ko sa mysterious aura n'ya na may malupit s'yang sikreto. At kapag nasama pa si Dara Angelica Villasis kila Trey at Kipp... Ayoko silang makasama. They means chaos.

Ang sumunod kay Kipp ay si Marron Ninel. Minsan naiisip ko na tomboy si Marron. Pero kapag nakikita ko sila na magkasama ni Calix Lancelot Amante (kapatid ni Trey) nagdadalawang isip ako. Baka kasi nag-aastang lalaki lang si Marron para layuan s'ya ng mga lalaki dahil para lang s'ya kay Calix. Pero kapag titignan ko sila ay para lang naman silang magkapatid.

Sunod kay Marron ay si Clive Marjoram, na may sariling mundo. Minsan ay may pagka-introvert ang pinsan ko na 'yon at nakikita ko lang s'yang nagiging makulit kapag kasama n'ya ang kambal na sina Finnick Jyn Jacobs at Freia Jasmine Jacobs. Lumalabas lang ang kalokohan ni Ram kapag magkasama sila ni Finn. Iniisip ko na nga na BI si Finn.

Ang bunso nila Tatay Neil at Nanay Cleo ay si Candice Marione. Madalas ay s'ya ang naaasar dahil sa size n'ya. Medyo nasobrahan kasi sa pagiging healthy si Candy. Madalas s'yang tawaging 'Lilit' ni Kipp. Short for lilitsunin daw. Medyo pikon si Candy at may pagkamabigat ang kamay kaya bawing-bawi naman s'ya sa pambubugbog n'ya. Madalas ay kasama ni Candy si Thalia Madeleine na bunsong kapatid naman ni Trey. Medyo dominating si Candy kay Madie dahil nasobrahan naman sa hinhin si Madie.

Ang mga anak ni Tatay Neil ay mas close sa mga anak nila Tito Troy at Tita Maine kaysa samin na mga pinsan nila. Minsan ay nakakaselos pero gan'on talaga. Sila kasi ang magkakasamang lumaki.

"Tulala ka na naman," basag ni Cole sa pagmumuni-muni ko.

Si Nicholas Gabriel Villasis ang best friend ko. Hindi n'ya 'yon alam, pero s'ya ang BFF ko.

Wala naman kasi akong choice dahil kami ang magka-edad. Mula nang umuwi kami dito sa Pilipinas ay s'ya ang madalas kong kasama dahil magka-klase kami.

Para s'yang yelo sa sobrang lamig n'ya. Isa s'yang malaking snob. Samantalang ako naman ay masyadong friendly.

Ang sabi nga ng mga kaklase kong babae ay s'ya si Naoki at ako naman si Kotoko. At dahil sa kakapasok nila ng idea na 'yon sa isip ko ay pakiramdam ko ay na-develop na ako kay Cole.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong may crush kay Cole. Mabuti nga ay nakaahon ako sa infatuation ko sa kanya dahil hindi naman s'ya masayang kasama. Ang sungit n'ya!

"May iniisip lang ako," nakairap kong sagot sa kanya.

Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. "Bakit kaya 'di ka nalang gumawa ng assignment kaysa tumunganga. Sayang lang ang oras mo. At 'wag kang umasa na papakopyahin kita," masungit na sabi n'ya at binalik na ang atensyon n'ya sa librong binabasa.

Napaka-boring n'yang nilalang!

"Kung makapagsalita ka naman. Kailan mo ba ko pinakopya?" inis na sabi ko sa kanya.

Nakakainis kasi na every time na may sinasabi si Cole ay pakiramdam ko napapahiya ako. Panay panlalait lang naman kasi ang lumalabas sa bibig n'ya.

"Kaya kay Marein ka nangongopya," sabi n'ya pa na hindi ko nalang pinatulan. Useless na makipagtalo kay Cole dahil palagi naman s'yang may nasasabi.

Nakakainis lang na parang ang baba ng tingin n'ya sakin. Hindi man ako kasing-talino n'ya, hindi naman ako bobo. Tamad lang talaga ako.

Ang sabi nga ni Papa, kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila.

Gumagawa naman ng assignments ang mga kaklase ko kaya nangongopya nalang ako sa kanila. Alam ko naman kasi 'yon. Tinatamad lang talaga akong mag-isip.

Hindi naman ako pabaya sa pag-aaral. Kaya ko ngang mag-keep up kay Cole sa pilot section. Sadyang tamad lang talaga ako.

Tumayo nalang ako at lumapit kay Marein.

Si Marein ang closest friend ko. Medyo pareho sila ng ugali ni Cole pero mas mabait s'ya. Pero hindi ko s'ya tinuturing na best friend dahil alam ko naman na nag-gagamitan lang kami.

S'ya ang kopyahan ko ng assignment at ako naman ang way n'ya kay Kuya Nexus.

Hindi ko alam kung bakit patay na patay s'ya sa 2nd degree cousin ko na 'yon kahit na alam n'ya naman na kabit lang s'ya.

Naka-compromise na kasi si Kuya Nexus na magpapakasal sa anak ng business partner ni Tito Billy.

"Ikaw, Casey, may boyfriend ka na ba?" tanong sakin ni Beth.

Naabutan ko kasi na nagkukwentuhan sila nila Marein at Lisa.

Ngumiti ako at umiling.

"Daming nanliligaw sa'yo. Nakakatatlong boyfriend na si Lisa at Grade 11 na tayo. Bakit wala ka pang bf?" nakangusong tanong ni Beth.

"Pinagbabawalan ka ba ng parents mo?" tanong ni Lisa.

I giggled "Hindi naman mahigpit sila Mama. Sadyang choosy lang ako. Pretty can be choosy, right?" pabirong tanong ko na inirapan lang nila. Natawa ako. "Pero may almost boyfriend na ko ngayon. Konti nalang sasagutin ko na."

Napasinghap sila. Nagtinginan ang iba samin. Pati si Cole na nasa malapit lang ay nasa amin na din ang atensyon. Siguro ay narinig n'ya ang sinabi ko.

"Sino? Kilala ba namin? Nandito ba?" excited na tanong ni Beth na sumulyap pa kay Cole.

Ngumiti ako at umiling. " Wala dito at baka 'di n'yo din naman kilala."

"Sino nga?" tanong ni Lisa na sinamahan pa ng tapik sa braso ko.

"It starts with letter 'T'," nakangiting sabi ko.



__________________

December 14, 2016 - 00:53

January 12, 2018 - 00:36

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon