MEET HIS MOTHER

419 8 0
                                    

Nang mapansin ko na naiilang na si Dax, hindi ko na natiis. I am actually waiting for Dara to make a move. But she's just watching the world around her.

I stood up. Napatingin si Marron sakin. Hindi ko nalang pinansin ang kapatid ko at umupo na ako sa tabi ni Dax.

Halata na nagulat s'ya. Pero nakita ko ang pasasalamat sa mga mata n'ya.

"Everyone, this is Dax. Classmate namin" pakilala ko sa kanya.

Ngumiti agad si Marron sa kanya. "Hi ate Dax, girlfriend ka ni Kuya?" tanong agad n'ya

"Lolokohin ka lang n'yan" nakangising sabi naman ni Cole.

"H-Hindi. A-ano lang... kaibigan" nahihiyang sabi ni Dax.

Tumikhim ako. "Dax, meet everyone" isa-isang pinakilala ko sa kanya ang lahat. "This is Marron, kapatid ko. Those two are also my siblings" tinuro ko ang dalawang kapatid ko na nakikipaghabulan na. "Sila Ram at Candy. 'Yong kalaro nila ay 'yong kambal, sila Fye at Finn. 'Yong busy sa kaka-text, ate ng kambal, si Ate Avy. Of course kilala mo na si Thalia at Calix. 'Yong katabi ni Dara, si Cole. Tapos 'yong tulog, bunso nila, si Alister. 'Yong nasa kabilang tabi pa ni Dara, si Ate Sarah. 'Yong mga kausap naman ni Trey doon sa may pool, mga pinsan n'ya sa father's side. 'Yong matangkad na nakasalamin si Trevor. 'Yong medyo chubby naman si Carrack"

"Ang dami palang bisita. Nakakahiya na sumama pa kami" mahinang bulong n'ya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Okay lang. Friendly naman lahat dito" ngumiti ako sa kanya. May mga dumating pa. "Itong mga bagong dating, sila Tita Tori at Tito Rath. 'Yong mga anak nila si Kuya Breth. 'Yong lumapit kay Ate Avy. 'Yong naka-pula si Kuya Levi. 'Yong sigang babae, si Bria. 'Yong kambal naman sila Jade at Vash. 'Yong lumapit agad kila Ram, 'yon si Jade."

Tinuro ko sa kanya ang table kung nasaan sila Nanay. "'Yong katabi ni Tito Troy, si Tito Eric at Tita Fallon. Anak nila 'yong kambal at si Ate Avy. 'Yong katabi pa nila Tita Fallon ay si Tita Alisson. S'ya naman 'yong Mommy nila Dara. 'Yong katabi pa ni Tita Ali ay si Nanay"

"Saskia Aragon" she uttered in a dreamy voice

I looked at her. She's intently looking at my mother.

"Yeah. Pero ang whole name n'ya ay Cleo Saskia Aragon Vergara. Tita Cleo nalang ang itawag mo sa kanya" Lumabas mula sa backdoor sila Mommy Maine. ""Yong mga kasama ni Mommy Maine ay sila Tito Trent, Daddy ni Dara, at si Tatay. Tito Neil nalang tawag mo kay Tatay. 'Yong huling lumabas naman ay si Tito Jack, kapatid ni Tito Trent at Daddy ni Ate Sarah"

Inisa-isa n'ya ulit ang mga pinakilala ko sa kanya. Kapag may namali s'ya ay tinatama ko nalang. Bawat may lalapit sa pwesto namin, pinapakilala ko s'ya. At lahat ay nanunukso kung girlfriend ko daw ba.

"Kipp, thank you" nakangiting sabi n'ya.

Tumango lang ako. "Wala 'yon" tipid na sabi ko at tumayo na ulit. "Marron" tawag ko sa atensyon ng kapatid ko.

"Bakit?" tanong n'ya.

"Kausapin mo mga bisita" utos ko sa kanya at tumalikod na.

Lumapit nalang ako kila Trey.

Sa pag-iiwasan namin ni Dax, pakiramdam ko ay may naging malaking gap na sa pagitan namin.

Kaya ako nag-back out sa deal namin ni Trey ay dahil naisip ko na may posibilidad na maging kami. Kasi gusto ko s'ya. I might be young, but I know that I like her.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon