Andy's POV
Napapansin kong yung mga katabi ko ay tawa lang ng tawa at bulungan. Hindi ba nila ako isasali?
"Kayong dalawa ah. may tinatago siguro kayo sa akin noh. Anong pinagbubulungan nyo dyan, ha?" Ako.
"Wala, swear." Sabay na sabi nilang dalawa. Nakataas pa ang dalawang kamay na kala mo ay hinoldup. Tsk. Mag-ina ko talaga tong dalawa.
Maya maya ay nakarating na kami sa bahay nila mama at papa. Pumasok na kami. Umupo naman si Seth at Reanz sa sofa ako naman ay tinawag sina mama at papa.
"Ma, Pa. Nandito na po si Reanz." Ako. Agad namang bumaba si Mama.
"Ay poklet! Sino kang bakla ka? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay namin? Labas!" Mama.
Pinagtutulak pa ako nito palabas. Ano daw? Bakla. Yung mag-ina ko naman tawa lang ng tawa.
"Ma, ano ka ba? Sa gwapo kong ito bakla?" Ako. Napatigil naman sya.
"Andy? Ikaw ba yan?" Mama.
"Sino pa ba, ma?" Ako.
"Eh ba't ka kasi nagmemake-up eh." Mama. Napa upo naman ng maayos yung dalawa.
"Anong make up eh wala naman."ako.
Pinahid ko sa labi ko ang kamay ko. May pula sa labi ko. Kumuha ako agad ng salamin. Laking gulat ko nang makita kong ang kapal ng make up sa mukha ko. Pinandilatan ko yung dalawa.
"Kayong dalawa ang may gawa nito noh?" Ako. Unti unti akong lumalapit sa kanila.
"Wala kaming ginawa, swear." Seth at Reanz
"Yung totoo?" Ako. Nagturuan sila. Manang mana talaga itong batang to sa nanay nya.
Lumapit ako sa kanila. Kiniliti ko si Reanz. Tawa naman siya ng tawa. Natatawa rin si Seth.
"Nakakatuwa kayong tingnan. Para na talaga kayong isang pamilya." Mama.
Mayamaya ay umalis na kami. Umupo si Seth sa likod. Ako naman sa driver's seat.
"Wala akong sakit na nakakahawa kaya dito ka umupo sa shotgun seat. Wala akong balak maging driver mo." Cold kong sabi sa kanya. Agad naman syang sumunod. Ganyan talaga. Galit galit muna.
"Andy, Galit ka pa ba sa akin?" Seth. Napangisi naman ako. Hindi ako sumagot. Nalungkot naman ang mga mata nya ngunit naka ngiti pa rin.
"I-I'm s-sorry" Seth.
"You're sorry can't change the things that happened so just keep quiet." Ako.
Natigilan naman sya sa sinabi ko. Kaya binaba nalang nya ang bintana at doon na lang sya humarap.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa airport. Pinagbuksan ko sya. Kinuha ko ang bag na dala nya at inakbayan sya. Naglakad na kami papuntang waiting area.
Pansin ko lang, itong si Seth kahit na may anak na hindi yun halata kaya napapatitig parin nya ang mga lalaki rito kahit nakayuko lang sya. May kumindat pa nga.
Mayamaya ay umakyat na kami sa eroplano at umalis na ang private plane namin.Napapansin kong inaantok na si Seth.
"Isandal mo ang ulo mo sa balikat ko." Ako.
BINABASA MO ANG
Us Until The End (TGBGQ2)
Teen FictionKung ang pagmamahalan ay hinadlangan ng kaibigan at pinagbantaan pano nila ipaglalaban kanilang pagmamahalan Andy't Drea'ng magkasintahan sa isang iglap ay maghihiwalayan para sa kapakanan mahal nya'y pakakawalan kaya inyong abangan inyong subaybaya...