Andy's P.O.V
Agad akong sumugod sa SNHSC. Pagkarating ko doon ay an raming mata ang napabaling saakin. Nagsimula na ang bulungan nila. I was getting some sympathetic looks, glares, at may iba na umiiling iling pa. What is their problem? Ano ba ang tinitingin-tingin nila?
"Girl, sino sya ang wafu ng fes." G.1. Siguro transferee toh.
"Girl, diba si Andy yan? Sya yung dating nerd." G2.
"Grabe, Girls, ang gwapo na nya." G3.
"Diba boyfriend sya ni Ms. Drea?" G4.
"Oo. Ang swerte naman ni Ms. Drea. 2 gwapo ang nag-aagawan sa kanya." G1.
"Pero ba't di sila magkasama ngayon?" G4
"Siguro LQ sila" G1.
"Siguro, iniiwasan sya ni Ms. Drea." G3.
"Siguro break na sila." G2. Di ko na lang pinansin ang sinasabi nila dahil natatakot akong harapin ang katotohanan na tama ang tsismis nila. Mas bumababa ang confidence ko.
"Pare, diba sya yung boyfriend ni Ms. Drea?" B1.
"Oo sya nga. Pero ba't di sila magkasama ngayon?" B2.
"Nakita ko nga kanina si Ms. Drea kasama si Sam Andrake Monteverde." B1.
"Tlaga? Pero diba ex yun ni Ms. Drea? Ba't sila ang magkasama?" B2.
"Siguro nagkabalikan na sila." B1. Di ko na kinaya ang mga sinasabi nila. Lumapit ako doon sa 2 lalakeng nag-uusap. Kinuwelyohan ko si B1.
"Sino yung kasama ni Drea? Nasaan sila" Ako.
"S-si S-sam po yung e-ex nya. N-nasa c-cafeteria p-po sila." B1. Binitawan ko na siya. Kumaripas ito ng takbo.
Agad akong sumugod sa cafeteria. Pagkarating ko doon ay halos hindi ako makadaan buhat ng dami ng mga istudyanteng nagkukumpulan masilayan lang sina Sam at Seth.
Nagulat ako nang pagdating ko doon ay ang raming istudyanteng nagkukumpulan at sumisilip sa pwesto nina Seth. Nasa gitna kasi sila ng cafeteria nakapwesto.
Nang makadaan na ako dahil nang makita nila ako ay gumilid sila para makadaan ako. Wierd naman. Tinignan lang ako ni Seth. Hindi ko mabasa ang nasaisip nya.
Sinusubuan ni Seth si Sam. Tuwang tuwa ang mukha ni Sam ngunit lungkot naman ang makikita sa mga mata ni Seth kahit nakangiti ito.
Naglakad na ako patungo sa pwesto nila. Kusang gumigilid yun mga istudyanteng nakaharang sa daanan ko.
Nagtagpo ang mga mata namin pero agad din naman syang umiwas ng tingin. Natatanaw ko ang pagpigil nya sa mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata nya.
Lumapit na ako sa kanila. Nangmapatingin saakin si Sam ay ngumisi ito.
"Oh, Andy, my ex-bestfriend, what brings you here?" Sam. Umakbay pa ito kay Seth. Yumuko na lang si Seth at tumingin sa ibang dereksyon. Tinignan ko lang si Seth. Hindi ko mabasa ang nasaisip nya.
"G-gusto ko lang makausap si Seth." Ako. Napatingin naman si Seth saakin ngunit agad ring nag-iwas ng tingin.
"Oh, sorry, dre, but I think she doesn't want to talk to you. We'll go ahead, may klase pa kami eh." Sam. Tumayo na sila. Aalis na sana sila nang hilahin ko ang kamay ni Seth tsaka ko sya yinakap mula sa likod. Nabitawan nya ang kamay ni Sam.
BINABASA MO ANG
Us Until The End (TGBGQ2)
Teen FictionKung ang pagmamahalan ay hinadlangan ng kaibigan at pinagbantaan pano nila ipaglalaban kanilang pagmamahalan Andy't Drea'ng magkasintahan sa isang iglap ay maghihiwalayan para sa kapakanan mahal nya'y pakakawalan kaya inyong abangan inyong subaybaya...