3/3

143 5 0
                                    


Ang sarap nya pagmasdam habang kumakaen. Oooopss. Naku, ano ba tong iniisip ko?

Ang ganda ganda lang talaga nya.

"Bakit? " basag nya sa munimuni ko.
"Nakatingin ka sa akin. Siguro ay hindi ka pa kumaen? "anya.

"Naku, naku! A-ah,tapos na po! " di ko alam sasabihin ko. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"Ah. By the way, asan si tita? " tanong nya. Mabuti naman at naiba ang topic.

"Umalis po si ninang kaninang umaga mga 5am. Nagmamadali siya dahil tumawag yung crew nya sa cafe na di makakapasok dahil sa masamang pakiramdam. Kaya si ninang na ang mag opening ng cafe. " mabilis komg sagot.

"Ang sipag talaga nya. Ahm, sabi mo ninang mo si tita marcy? Pero ngaun lang kita nakita?" tanong ulit nya. Napapangiti ako ng lihim. Nagsisimula na sya ng topic. Hehe.
Di na ko mabobored dito sa bahay dahil may makakasama na ko.

"Hindi ko po din alam kung bakit e. Ngayon lang din kita nakita." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Dito ka ba nag i-stay ngayon? " -nicole

"Oo. Naghiwalay po kasi ang parents ko last year. Si papa, nasa thailand ngayon. Ipinadala sya ng company nila. Si mama naman umuwi sa batangas kasama yung bunsong kapatid ko. At ako eto, graduating na kaya nakiusap si mama kay ninang na dito muna ako pansamantala." ang daldal ko talaga. Pero ang saya magkwento e.

"I see. " yun lang sinabi nya. -.-

Akward naman ng sagot nya.

"Ikaw po ba? Sabi ni ninang dito kna daw mag stay for good? " tanong ko. Para naman di maputol yung conversation namin. Haha. Please wag ka makulitan sa akin.

"Po ka ng po. Ilang taon ka na ba? "
Balik tanong nya.

" 20 na po. " sagot ko

" Tsk tsk. Ako 22. Wag kana mag po. Konti lang naman agwat. Haha "
Anya na may kasamang tawa. Tumawa siya. Close na ba kami?

"Sige, sabi mo e," sagot ko naman .

"Magtatayo kase ko ng resto bar sa Malate. Kaya dito na ako kay tita mag stay. " sagot ni nicole sa tanong ko kanina.

"Wow, negosyante! " totoong namangha ako. Bihira ako makakilala ng mga business-minded e.

Napatawa na naman sya sa sinabi ko. Infairness. Close na ata kami.

"Ako nga pala si Nicole. Nhee for short. " nagulat ako ng inilahad nya ang kamay nya. So nakikipagkaibigan na sya.

" Kelly " sabi ko lang. Speechless lang. Parang may iba kase sa kanya nang hinawakan ko ang kamay nya.
Ano ba yun? Parang kuryente?

Excited lang siguro ako kase ang totoo.. Sa dami ng kaibigan ko, puro busy na sa lovelife. Wala na silang time sa akin. Yung iba nga nag asawa na pagka 18 palang. How sad, diba?

After nya kumain ay nagpaalam muna sya dahil may pupuntahan daw siya. Nagpabilin na lang sya kay ninang kung mauunang umuwi.

Pagkaalis nya ay tinitingnan ko pa din ang kamay ko. Para kong timang ah? Haha. Ano ba kasi talaga 'yon?

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon