Nhee - Pov
Nandito na ako sa Sm Val. Tinawagan ko muna si Meikon. Makikipagkita muna ako sa kanya bago namin puntahan si Kelly. Naalala ko lang, may kasama din pala sya.
"Hello, oy asan ka na ba? " tanong ko kay Meikon ng sagutin nya ang tawag ko.
"Andito pa sa parking lot. Kita nalang tayo sa entrance. " Sagot nya.
Tinext ko si Kelly at mabilis na tinungo ang entrance ng mall
To : CUTIEKELLY
W8 lng ha? Meet ko muna c Meikon.From: CUTIEKELLY
sure! Tk ur tym.Nakita ko na si Meikon palapit na sa akin. Dumiretso na kami sa food court.
Madali kong nakita si Kelly. May kasama itong babae. Nilapitan na namin sila.
"Kelly... " ,tawag ko sa kanya.
Nakangiti syang lumingon sa amin ni Meikon. Bigla ay nawala ang ngiti nya ng mapadako ang mga mata nya sa katabi ko.Tingin ko ay nagtataka sya. Nang tiningnan ko naman ang kasama nya ay nakangiti lang ito sa amin.
"ahemmm!" ako. Speechless na kasi kami lahat. "Kelly, ito si Meikon. Bestfriend ko. Dude, ito si Kelly, yung inaanak ni tita. Yung kasama nya.... " di ko alam sasabihin ko kasi di ko pa din kilala.
"Si Ciara. Classmate at bff ko. " mabilis na sagot ni Kelly. Naghandshake kmi ni Meikon kay Ciara . Ganun din sina Meikon at Kelly.
Nang magkapalagayan na ng loob ang lahat ay dumiretso kmi sa apartment ni Meikon.
Nandoon na pala ang ibang bisita nya. Kilala kong lahat. Ipinakilala naman namin sila Kelly at Ciara sa mga bisita.Napakasaya naming lahat. Nagpacatering pala itong si Meikon kaya hindi sya nahirapang maghanda.
8pm na ng mag uwian ang ibang bisita. Ang naiwan nalang ay si Delcy, Roserie, Rubbia, Meysi . Naiwan din ang kambal na si Lexi at Lexa na parehong gay. Mga kaibigan at naging kaklase namin ni Meikon. At syempre, nandito pa kami nila Kelly at Ciara.
"Guys! Come over here. " tawag ni Lexa na may kamang palakpak sa aming lahat. Lahat naman kmi ay lumapit sa kanya. "Laro tayo ng spin the bottle, ha? ". Natawa kmi sa kanya dahil itinaas pa nya ang boteng gagamitin paharap sa bibig nya.
" Okey? Anong klaseng laro yan? Pambata. " mukhang ayaw ni Delcy.
" Naku, Delcy! Intrimitida ka. Pwesto na dali! " Si Lexi. Tawa kami ng tawa sa dalawang bakla. Ang kulet nila. Pero hindi naman nakakapikon.
Pumwesto kmi ng pabilog. Napaggitnaan ako ng dalawa kong gay friend.
Unang nag spin ay si Lexa. Sya daw kasi nakaisip. Truth or consequence ang tema ng laro. Tumapat kay Delcy ang nguso ng bote.
"Sinadya mo yun! Bakla ka! " sigaw ni Delcy. Tatawa tawa lang si Lexa.
"truth or consequence? " tanong ni Lexa dito.
"truth! " mabilis agad na sagot ni Delcy.
" Nakatikim ka na ba ng Langit? " nagulat kami lahat sa tanong ni Lexa. Green-minded lang ba kami? " Yung Literal at pisikal na akala mo langit na talaga" dugtong nya. So hindi kami ang green kundi si Lexa.
"Hoy Lexa! Virgin pa ako so hindi pa! " seryosong sagot ni Delcy. Tawa na naman kami.
Sunod naman ay natapat kay Ciara. Consequence ang pinili nya. Dahil si Delcy ang huling natapat sa bote ay sya naman ang nag spin at nag-utos. Sinabi nya kay Ciara na Uminom ng 3 baso ng whisky at nagawa naman nya iyon.
Sunod ay si Meikon. Truth ang pinili nya. Tinanong sya kung paano nya mapapatunayan ang love nya kay Leslie.
" Tumatawa ako dahil natutuwa ako na nandito kayo. Pero nanghihinayang ako at disappointed dahil wala sya dito. Hindi ko magawang maging maligaya ngayon kase wala sya. Ganun ko sya kamahal. " sagot ni Meikon.
Hindi nakarating si Leslie dahil sa work nito. Naassign kasi ito sa aklan. Bilang researcher ay mas importante iyon sa kanilang kumpanya. Syempre, itong si Meikon, inuunawa na lang.
Himala lang na di sa akin natatapat ang bote. Umulit na naman kase sa kanila. Kay Delcy, Roserie, Rubbia, Meysi at Ciara. Kadalasan ay kay Lexa at Lexi. Kaya tawa kami ng tawa.
Hanggang sa biglang matapat kay Kelly. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.
•••••••••••
Sorry po sa matagal na update.
Medyo nawawalan po kasi ako ng time.
Tao lang po. Busy din.••••••••••
Bdw...
Bakit kaya kinakabahan si Nicole?
Hmmmn. Aalamin natin 'yan 😀😀
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)