KELLY - POVNagising ako na may ngiti sa mga labi ko. Naaalala ko pa din yung mga pinag-usapan namin ni Nhee. Masaya ako dahil nagkaayos na kami. At naging kami na.
Ano ko ba sya?
Girlfriend?
Nakups! Ayokong mag isip. Basta okay na kami.Tumayo na ako sa pagkakahiga. Napansin ko agad ang maliit na papel sa lamesita. Nilapitan ko ito.
Pinapangiti na naman ako ng babe ko. Nagnote sya sa akin.
Pumasok na pala siya. Teka?
San naman sya pumasok?
Di ko pa pala nakamusta ang pinagkakaabalahan nya. Wala na kasi kaming time kagabi para pag usapan ang ibang bagay .Mamaya nalang. Bavawi ako.
Nagsimula na akong magready para pumunta sa school. Maaga akong papasok dahil dadaan pa ako sa library. Dapat hindi ako magpabaya sa pag aaral. Dapat mas maging inspired ako.
........
Sa school...
"Cia... " tawag ko kay Ciara. Halos bulong lang dahil bawal mag ingay dito sa libray.
Nilingon naman nya ko agad.
Nakangiti ang loka habang papalapit sa akin."Hey. " Tapik nya sa akin sa balikat. "may goodnews ako"
"Ano naman yun? " walang gana kong tanong.
"eeeee. " mahina nyang tili. "Kelly.... Nakapasok ako sa audition. '' bigla akong napalingon sa kanya mula sa binabasa kong libro.
Nagtatanong ang masasaya kong mga mata.
''Oo. Tama ang iniisip mo. Malapit nang mag-artista ang bestfriend mo ." Ngiting ngiti sya. Kinikilig pa nga.
Nag-audition si Ciara sa isang talent show sa sikat na network dito sa pilipinas. Ang "The Lucky Star" .
Natutuwa ako para sa kaibigan ko. Atleast, balang araw, maari syang sumikat.
Sana lang pag nangyari iyon ay wag nya akong kalimutan."Ciara" niyakap ko sya ng paakbay. "goodluck".
"Thanks... Tara sa canteen, libre kita. " yaya nya. Infairness, galante.
After school.....
Palabas na kami ni Ciara ng building ng mapansin ko yung kotse ni Ninang Marcy.
Pero alam kong hindi si ninang ang gumagamit nyan.
Biglang ang lakas ng kabog ng puso ko. It was her. Sya lang ang dahilan kung bakit abnormal ang tibok ng puso ko.
Huminto ako sa paglalakad. Napansin iyon ni Ciara .
"Anong nangyari sayo? " tanong nya. Pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kotse.
Sinundan ni Ciara kung saan nakatingin ang mga mata ko.
Napakamot nanan sya sa ulo. Na-curious na siguro.Di nagtagal ay bumaba na si Nhee sa kotse. Palapit na sya sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Hi, babe. " bati nya sa akin at kasunod ang pagdampi ng labi nya sa labi ko.
Nabigla ako sa ginawang iyon ni Nhee. Syempre kinilig din ako. Pero mas lamang yung pagkabigla ko dahil alam naman nyang secret on lang muna kami.
"Owww... w-wewe... Wait! " pareho kaming napalingon ni Nhee kay Ciara na nasa tabi namin. "Hihinga lang ako ha! " at humugot sya ng malalim na hangin. "Di ko kinaya... Promise. Now, sige, makikinig ako! What is it all about!? " tanong nya sa amin.
Tiningnan ko tuloy ng masama si Nhee. Napakamot naman sya sa ulo.
" Okay, ano? Istatwa lang ako? Nagkiss kaya kayo sa harap ko. At takenote ah, ginawa nyo akong audience. " reklamo ni Ciara.
"Cia... Sorry. Hindi ko sinabi agad... Mag-on na kami ni Nhee" , tuluy-tuloy kong sagot sa kanya. Lalo lang nanlaki ang mga mata ni Ciara sa sinabi ko.
"O-M-G! Paano?! Kelan pa?! Bakit di ko alam!? ",sunud-sunod nyang tanong.
"Sorry, Ciara. Biglaan lang din. Mahal pala namin ang isa't isa e. " sabat ni Nhee. "mabuti pa, kaen muna tayo sa resto? "yaya nya.
"Saan? Dun sa dati? Yung pinagdalhan ko kay Kelly? ", tanong ni Ciara kay Nhee.
Tumango naman si Nhee.
Habang nasa kotse na kami ay inunti-unti naming ipinaliwanag kay Ciara ang lahat."So ibig sabihin, yung surprise mo kay Kelly noong kinasabwat nyo ako ni Meikon ay gusto mo lang pala makipag ayos? " tanong ni Ciara kay Nhee.
"thank you for that." ngiting ngiting sagot ni Nhee.
Natutuwa ako sa pagiging curious ng kaibigan ko. Daig pa imbestigador.
Nakarating na kami sa resto. Pagabi na kaya medyo marami ng tao.
Manghang mangha ako sa loob ng resto. May foodhous sa entrance. Pagdating sa pinakaloob ay isang malawak na resto bar na may malawak din na dance floor sa gitna. May mga nakahilerang pintuan din sa bawat gilid. Iyon yata ang VIP room. Naalala ko kasi yung kwarto kung saan ako sinurpresa ni Nhee sa pagbalik nya.
Paikot-ikot yung mata ko sa buong paligid. Speechless talaga ko.
"Dun tayo sa office. May pinahanda akong dinner. " si Nhee.
Sumunod kami ni Ciara sa babe ko. Pagdating sa office ay nakita namin si Meikon na nakaupo sa swivel chair. Nakataas ang dalawang paa sa table nito at naka cross pa ang mga kamay.
"Kamusta mga beautiful LADIES?" , bungad na bati ni Meikon sa amin.
Matalim ang tingin ni Nhee kay Meikon.
"How about you ,dude ? BEAST !?" , pang-aasar din ni Nhee.
Napikon yata si Meikon at walang kibong lumabas.
"Naku, nagalit . Lagot ka , Nicole ", si Ciara.
"I-shortcut mo nalang. Nhee nalang." biro ni Nhee.
Natawa nalang ako.
Masasarap ang pinahandang pagkain ni Nhee. Busog na busog kami. Nagpahinga muna kami sa isang VIP room .
"Ang ganda dito. Di ko alam na naipatayo mo na ito, babe." sabi ko kay Nhee. Totoong namamangha ako sa restobar na ito.
"Naipatayo namin ito dahil inspired ako" sagot ni Nhee.
Biglang namula ang mukha ko.
Alam kong inspired sya noong umalis at magtrabaho sa ibang bansa. Ako lang naman ang panira ng moment nya eh."Hey , babe. Namumula ka ba ?" , puna pa ng babe ko sa mukha ko.
"Hindi , ang anghang kasi nito oh ." sagot ko at itinaas ang nasa mangkok na roast beef.
"Oo nga pala. Specialty yan ni Meikon. Inanghangan nya siguro. "
"Pero masarap. The best !" kunwari ay sabi ko nalang para di nya malaman na kinikilig ako.
•••••••••
Hinatid lang namin si Ciara sa bahay nya at umuwi rin kami ng babe ko.
Sabik akong makipagkwentuhan sa kanya. Kahit abutin pa kami ng umaga. Okay lang mapuyat basta sya ang kasama ko.
Inlove na inlove na talaga ko (=
![](https://img.wattpad.com/cover/100665047-288-k746743.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)