Chapter 16 The Revelation

56 2 0
                                    


Nhee/Nicole POV

Nung makita kami ni Tita Marcy sa ganoong sitwasyon, naisip kong sign na iyon para malaman nya ang namanagitan sa amin ni Kelly. Ni minsan wala akong itinago sa kanya. Ganun kami ka-close.

Pero this time, alam kong galit sya. Hindi kay kelly. Galit sya sa akin.

"Nicole naman ... Paanong nangyaring ..." hindi natapos ang tanong ni tita Marcy.

"Sorry ,tita. Mahal ko sya." Yun lang ang naisagot ko sa tanong nya.

" Please... itigil mo 'to . Ayokong maulit yung nangyari sayo noon."

" I dont wanna talk about it. It just a pass. "

Oo, may nakaraan ako. At hindi madaling kalimutan iyon. Pero ayoko nang ungkatin pa. Alam ni tita ang pinagdaanan ko noon. Hindi ko sya masisisi kung tutol man sya ngayon sa relasyon namin.

" Kung iniisip mong tutol ako sa inyo, mali ka. Kaya lang , Nicole ,isipin mo na lang kapag nalaman ito ng parents mo. Maipaglalaban mo ba ? Alam mong against ang parents mo dito. Lalo na ang daddy mo."

" Tita, nakahanda ako sa lahat ng mangyayari. Hindi na nila ako pwedeng pakialaman ngayon. "

" Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari. Ayokong masaktan kayo pareho ni Kelly. At isa pa , paano kapag nalaman ito ng pamilya ni Kelly. Baka awayin ako ng kumare ko." Nasapo nalang ni tita ang ulo nya.

"Tita, dont worry. Magiging okay din ang lahat. Trust me."
Niyakap ko si tita na gulung gulo na.

" Ikwento mo sa akin paanong nangyaring nagkagustuhan kayo. " anito na ikinangiti ko. Ngumiti na din si tita.

Dahil nagbago na ang mood ni tita ay inakbayan ko  sya at nagtungo kami sa kwarto nya. Alam kong mahaba - habang usapan ito. Kailangan kong ikwento sa kanya lahat lahat .

Mula sa simula ng maramdaman ko na gusto ko na si Kelly at kung paano ko sya hinarass , oo pati iyon ay sinabi ko . Hanggang sa i-reject ako at sa pagpupursige kong maging kami ng babe ko.  Lahat ay sinabi ko kay tita.

"You almost raped her ?! My god ! Na reject kana pala then paanong may mangyari ?" tanong ni tita.

"Kasi malakas ang charm ko. Kaya nga bumigay e" , mayabang kong tugon.

"Pero natatakot pa din ako kapag nalaman ito ng daddy mo, Nicole."

Seryoso na naman si tita. Dapat nga ako ang matakot dahil daddy ko yun.

"Tita...",hinawakan ko ang kamay nya. " kaya ko 'to at pinapangako kong iingatan ko si Kelly. Trust me ,please."

Naiiling na lang si tita. Hindi pa din sya mapalagay .

"Basta kahit ano'ng mangyari, dito lang ako."

............

Binalikan ko na si Kelly sa kwarto ko. Nakatulog na pala sya . Yakap yakap nya ang unan ko.

Nailigpit na din nya ang portable na ginamit namin.

Tumabi na ako sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo. At mahigpit ko syang niyakap.

This girl that I never want to lose. I love you , Kelly.

Gumulo bigla sa isip ko yung mga tanong ni tita.

Paano nga ba kapag nalaman ng parents ko? Hindi na ako papayag na manduhan nila ako uli. Kaya nga ginawa ko lahat ng paraan para mawala na ako sa poder nila.

May sarili na akong business. Kaya kong buhayin si Kelly. Kaya kong gawin lahat basta kasama ko si Kelly.

Paano naman ang parents nya? Magagalit kaya sila sa amin ni Kelly ? Ni minsan hindi ko inisip ang mga posibilidad noon. Ang importante sa akin ay mahalin ako ni Kelly.

Makasarili na ba ako ? Iniisip ko lang ba ang kaligayahan ko?

Minsan na kong napagdamutan ng kaligayahan. Ayoko ng maulit pa.

Puno ang isip ko ng makatulog ako .

Nagising ako sa halik na dumampi sa labi ko. Isang nakangiting dyosa ang bumungad sa akin pagdilat ko.

"Good morning, babe " bati ni kelly sa akin.

Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam kung laging may dyosang babati sayo paggising mo.

"Nagugutom na ako" sabi nya. Mabilis akong bumangon.

"Bakit mo pa ko inantay ? Sana nauna kana nag almusal"

"Hindi ako makalabas. Nahihiya ako kay ninang."

Bumalik na naman sa isip ko yung nangyari kagabi.

*********

Wait lang po .
Lagyan ko na lang ng part 2

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon