Kelly povMaaga akong nagising dahil excited akong matapos ang araw na ito. Bukas ay magbabakasyon kami ni Nhee sa Batangas. Hindi ko akalaing maiisipan nya iyon. Gusto nya makilala si mama. Kinikilig tuloy ako pero kinakabahan.
Naligo muna ko bago ko pinuntahan ang kwarto ng babe ko. Mukhang tulog pa.
Pero pagbukas ko ng pinto ng kwarto nya ay wala ni anino nya rito. Maayos ang kama nya. Tahimik din sa CR.
Baka nasa kusina na? Nakakapagtaka, hindi nya ako ginising.
Kusina naman ang pinuntahan ko. Wala din siya. Pumuntabdin ako sa sala. Wala ring tao. Huli na, sa likod bahay. Nakakapagtaka wala talaga siya.
Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang phone ko. Tinawagan ko ang cellphone nya.
Narinig ko ang ringtone nya. Sa kwarto nya. Nagtaka ako dahil wala naman siya sa kwarto nya. Muli akong pumasok roon at nakita kong nagba-vibrate ang phone nya sa ibabaw ng lamesita.
Naiwan nya ang phone nya? Bakit naman kaya? Saan kaya siya nagpunta ?
Nagtataka lang ako pero hindi ako nag-aalala. Dapat hindi ako mag-alala. Iyon ang dapat ko isipin. Pero ang nararamdaman ko sa sinasabi ko.
Haist ! Kalma lang ...
Minabuti ko nalang na mag-asikaso patungo sa school. Last day ngayon sa school. Makakapagbakasyon kami ni Nhee.
Nagtext ako kay Ninang Marcy na naiwan ni Nicole ang phone nya. Sinabi ko ding pumasok na ako sa School. Ibinilin lang ni ninang Marcy na isaradong mabuti ang mga bintana at pinto na kanina ko pa ginawa.
Nag-aabang ako ng jeep na sasakyan ng may humintong kotse sa harap ko. Maliit na kotse. Auto type na kulay asul.
Kahit hindi nakabukas ang bintana ay matatanaw kung dino ang nasa loob.
Si Claire Renterico.
Bumaba sya sa driver seat at binuksan ang pintong nasa harap ko.
Tiningnan ko lamang siya kung ano ang ginagawa nya.
" About yesterday, I feel sorry on what I've done. Nagselos lang ako. If you don't mind, pwede ba tayong mag-usap habang papunta sa school? " sabi nya na sobrang calm. "Please... " dugtong nya pa.
Tumango ako at sumakay na lang.
Mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan nya.
" By the way, Im Claire. Pwede kong malaman ang pangalan mo? " pagbubukas nya ng topic.
" Kelly " sagot kong nakangiti.
" Ahh.. Kelly, nice name" anya ng naiilang, " Sorry ulit.. "
" Your forgiven " sagot ko. Nagsorry na kaya patawarin na.
" Thanks and I wanna need your help. Its all about Georgina. She dont want talk to me. Nasaktan ko siya sa ginawa ko. Nakita rin nya yung ginawa ko sayo. Akala ko kasi talaga ...."
"Ano ba ang maitutulong ko?" Tanong ko. Nakikita kong naiilang pa rin sya.
" Ilang beses ko na syang tinawagan pero iniiwasan nya talaga ko. Sa school naman hindi ko siya malapitan. Gusto ko sanang magkita kami sa isang lugar yung walang ibang taong nakakakilala sa amin. Kung okay lang sana tulungan mo akong makausap siya."
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)