Kelly's POV
Minsan nalilito ako sa nararamdaman ko. 2 weeks na ang lumipas buhat ng dumating si Nhee dito sa bahay ni ninang Marcy. Pero hindi ko naman ma-feel kung gusto ba akong maging kaibigan ng babaeng iyon.
Nitong nakaraang linggo ay madalas nya akong isabay sa kotse kapag may lakad ako. Pero nitong huling mga araw ay parang ayaw naman akong kausap. Tsk! Mukhang laging busy. =(
Buti na lang ay naayos namin ni Ciara yung group project namin lastweek. Swerte rin dahil ang grupo namin ang may pinakamalaking score na nakuha. Kaya heto at nagcelebrate kami ng mga kagrupo ko dito sa paborito naming restobar.
"hey Kelly," tawag ni Ivy sa akin."thank you talaga sa pag rework ng project natin."
"ako pa ba? Di ko kayo pababayaan 'no" mayabang kong sagot. Nakainom na kasi kmi e.
"Iinom tayong lahat 'til the last shot! Thanks to Kelly! Basts libre ko ito! " , shout out ni Angeline. Parang lumalaki na tenga ko. Hehe. Joke lang.
Friday night. Ang saya. Susulitin namin ito dahil wala namang pasok bukas. Malasing na ang malalasing. Basta masaya kami.
1am na ng mapansin kong tulog na ang iba kong kagrupo. Nakayuko na sila sa mesa. Napailing ako. Paano kaya ito?
"Ciara? " pilit kong ginigising si Ciara. Niyugyog ko pa ng ayaw pa ding gumising.
"Hmmmn? " mahina pero sa wakas ay nagising sya.
"Ciara, wake up na. Uwi na tayo." sabi ko.
Nag-angat siya ng mukha. Lasing din siya.
" Anong oras na ba? " tanong nya." Pass 1 am na. Asan sundo mo? " tanong ko. Tinutukoy kong sundo niya ay ang boyfriend nya na kasasagot lang nya 3 weeks ago.
Bigla ay nalungkot sya. Yumuko ulit sa lamesa.
" wala na kami, Kelly. " Nabigla ako sa sinabi niya. Di ko alam ang gagawin ko. Alam kong umiiyak siya. Yumuyugyog kasi ang balikat nya.
" Hindi ko ma-gets, Ciara. Bago pa lang kayo, di ba? " tanong ko. Gusto kong magkwento siya. Di ko alam na may problema sya. Kaya pala hindi sya nagpaawat sa pag inom.
" Nalaman ko kasi na nagkikita pa sila ng ex nya. " tumingala sya sa akin. "Ang sakit kasi maging tanga kaya pinalaya ko siya". Tuluyan na syang humagulgol.
Awang awa ako sa kaibigan ko. Di ko alam kung pa'no ko papawiin yung sakit na nararamdaman niya.
"Tayo ka, Ciara " utos ko sa kanya. Tumayo sya at pinihit ko sya paharap sa akin. Mabilis ko syang niyakap. Mahigpit. Sobrang higpit.
" Kelly... " anya.
" Sorry, Cia. Wala akong magagawa sa problema mo kundi ito lang. Atleast, iwan ka man nilang lahat, nandito pa rin ako. Kaibigan mo pa rin ako. " sabi ko sa kanya habang yakap ko pa din sya.
" Thanks, Kelly " tugon nya.
Kumalas sya sa pagkakayakap ko. "promise mo 'yan ah? " sa wakas ay ngumiti na sya." Oo naman. Promise is a promise! " sagot ko.
Kahit papaano ay napagaan ko ang kalooban ni Ciara. Masaya ako.
2:30 am na ng mag uwian ang mga kagrupo ko. Kami naman ni Ciara ay dumiretso sa 7/11 store. Kumain muna kami ng ice cream para mawala ang hilo namin.
" Kelly, paano ka uuwe? Wala kang kasabay." Nag aalalang tanong ni Ciara.
Nandito kami sa monumento ngayon. Si Ciara ay uuwe sa ate nya sa blumentritt. Isang sakay lang. Pero ako. Di ko alam kung sa NLEX o sa mc arthur ako dadaan. Pareho lng kasi ang daan. Sasakay pa ako ng isa pang jeep para makarating sa bahay.
"Okay lang. Basta ikaw mag- iingat ka pauwe. "
Lumabas na kami ng store. Hinintay ko lang siya na makasakay.
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
No FicciónLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)