Kelly -POVPass 2pm na ko nagising. Alas sais na pala kami natapos sa session namin ni Nhee. Which is drinking lang po ng beer.
Bumangon ako sa kama. Nagtagal ako sa pagkakaupo. Dama ko pa ang pag-ikot ng aking sikmura. Nakikiramdam ako kung may isusuka ako. Para nga akong sinikmura kung kaya ay tumayo na ako upang tumungo sa banyo.
Nakakainis lang dahil habang sumusuka ako sa bowl ay nahihilo ako. Puro luha na rin ang mga mata ko.
Promise, Lord. Ayoko ng malasing. Ang hirap. Pero nandito na ko. Hirap na hirap yung sikmura ko sa alak.
Nang wala na akong mailabas ay naligo na ako. Baka ma-refresh ang buong pagkatao ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko.
Nakita ko si ninang Marcy sa sala. May binabasang mga papel.
" Good morning, ninang. " bati ko sa kanya.
Natawa siya.
" Baka goodafternoon, anak. " pagtatama niya.
Oo nga pala. Hapon na nga pala. Tumawa na din ako. Naupo ako sa kaharap na upuan nya.
"Ano pong ginagawa nyo? " tanong ko.
" Ah, eto ba? Inaayos ko kasi ang sales ng cafe. Dapat ay maasikaso ko ito. Mahirap na, malapit nang magdecember. Dadami na naman ang mga tao sa cafe. " sagot nya.
Busy pala si ninang. Dapat ay hindi ko maistorbo.
" Sige ninang. Mukhang importante yan. Lalabas lang po ako sandali. " paalam ko.
" Naku, anak. Kumain ka pala muna. Nagluto si Nhee kanina bago umalis. "
Tumango ako. Di ko ramdam ang gutom pero nagtungo pa rin ako sa kusina.
May nakatakip na tupperware sa lamesa. Binuksan ko ito. Pork steak. Ang bango ng amoy. Magaling pala magluto si Nhee.
Kumain ako mg konti. Kahit paano, magkakalaman ang tiyan ko. Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay naalala ko ang nangyari kaninang umaga.
FLASHBACK
" masaya ka ba dito sa bahay? " tanong ni Nhee sa akin.
" Hindi lang masaya. At home talaga ako. " sagot ko. Nakakatig tatlo na kaming lata ng beer. Feel na feel ko na din syang kausap.
"Good. Sama ka mamaya sa akin. Birthday ng best friend kong si Meikon. Ipapakilala kita" , paanyaya nya.
Bigla ay nalungkot ako. May bestfriend na pala siya.
" Ayy, nakakahiya naman. " sagot ko. Sa totoo lang ay ayaw ko sumama.
" Bakit ka mahihiya? Ipapakilala ka nga diba? " pamimilit nya.
" Anong oras ba? " ako.
" 6pm " lumagok sya ng kaunting beer. " Sunduin nalang kita. " anya pa.
" Sige. Try ko. " pero wala talaga sa isip ko ang pumunta. Tatamarin yata ako dahil sa alam kong bangenge na ako maya maya.
"Don't try. Akong bahala sayo. " sabi pa nya.
Madami pa kami napagkwentuhan. Yung iba ay tawanan, biruan, at kung minsan seryosong bagay.
Mabait naman pala talaga itong si Nhee. First expression ko noon ay masungit at mainitin ang ulo. Pero hindi naman. Kwela nga sya eh. Tinanong ko din kung may naging boyfriend na sya. Naibuga nya lang naman ang beer na tinutungga nya.
Sabay sabing " Yuck kadiri! "
So, naisip king NBSB siya. Di na ko nagtanong kasi natatawa na ko sa kanya.
END OF FLASBACK
Ipakikilala nga pala nya ako sa best friend nya ngayon. Dapat mas maging masaya ako dahil madadagdagan pa ang kaibigan ko.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay ninang na may maglalakad-lakad lang ako sa labas.
Tinext ko si Nhee na maglilibot ako sa Sm Valenzuela.
To CUTIENHEE
hi. D2 ko sm val. Ikot lang tex u nlng ako. Kelly irr....
...
...Walang reply. Go na ko. Sumakay ako ng jeep papuntang Malinta. At isa pang jeep papuntang Sm Valenzuela.
Mabilis lang ang byahe dahil malapit lang.
Nasa mall na ako. Naupo muna ako sa foodcourt. Nagfocus muna ako. Rest day ko ngayon sa school. Pero ang isip ko. Abalang abala.
Naisip ko lang. Ano kaya ang hitsura ng Meikon na iyon? Sana hindi masungit.
Abala talaga ako sa kaka isip ng mga mababaw na bagay. Nagulat ako sa biglang paghawak sa balikat ko ng kungsino." Kelly? Ano'ng ginagawa mo dito? " si Ciara.
" Cia! " nabigla kong sambit sa panglan nya. " akala ko nasa blumintritt ka? "
" Oo. Kakauwe ko lang sa bahay. Dumaan lng ako dito dahil bibili ako ng ilang damit. " sagot nya. " Eh, ikaw? "
" Nag iikot lang. Grabe talaga. Small world talaga tayo. Magkaibigang magkaibigan. " sabi ko.
Nagkatawanan kmi. Napagpadyahan namin na mag ikot na lng na magkasama.
Nasa kasarapin kmi ng pamimili ng mga damit nang tumunog ang cp ko. Binuksan ko kung duno ang nagtext.
From CUTIENHEE
asan kna?! Papunta na ko sm val. I-meet ko jan c Meikon.To CUTIENHEE
Kita tau fudcourt. May kasama ko. Pklala kita maya.*****
Guys, sobrang antok ko na. Next UD nlang yung part 2 .
Promise, gagandahan ko.
Pls . Wag kayo mahiya mag comment.
Thank you =)
-YEMSi
![](https://img.wattpad.com/cover/100665047-288-k746743.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)