CHAPTER 11 Meet New People

55 4 0
                                    


One month later...

Kelly - pov

It's second week of december. Walang tawag o text na namagitan sa amin ni Nhee.  Tiniis kong hindi makipagcommunicate sa  kanya. Umiiwas na ako.  Tama nang minsan akong umasa.  Ayokong ipakita sa kanya na nagugustuhan ko na sya.  Baka sa huli,  ako na naman ang masaktan.

"Kelly, ikaw na ang magkabit ng mga dekorasyon dito" utos ni Ninang Marcy.  Katatapos lang nya i-assemble ang christmas tree.  Ngayon lng kami nagkaoras para magdecorasyon ng bahay.  Ilang araw na lang,  magpapasko na.  Hindi pa ba sya uuwi dito?

Tsk!  Ano ba 'yan?  Dapat di ko na sya iniisip!  Erase erase na!

"sige po, ninang" tugon ko.

Iniwan na nya ako sa sala at pumunta na sya sa labas ng bahay upang tapusin ang pagdedekorasyon nya.

Binilisan ko ang ginagawa ko dahil may usapan pa kami ni Ciara na magkikita ngayon.  

3 pm na kami natapos ni Ninang Marcy sa pag aayos ng mga chrismas decor sa loob at labas ng bahay.

Tinawagan ko na si Ciara at sinabing magkita na lang kami sa Sm Valenzuela. 

Naligo agad ako at nag-ayos ng konti sa mukha. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay ninang na aalis muna.

--------

Hay naku!  Nauna pa akong nakarating sa babaeng iyon!
Hinihintay ko si Ciara dito sa foodcourt ng mall.  Sabi nya ay papunta na sya.  Dapat ay syacang mauuna.

Lumipas ang 30 minutes.  Wala pa din sya.  Hindi pa din nagrereply sa mga text ko.  Hindi din sinasagot ang tawag ko.

Ano kayang nangyari sa babaeng iyon? Masasabunutan kita, Ciara!

Napasya muna akong pumunta ng C.R.
Nang makapasok ako sa loob ay natigilan ako.  May nakita akong babae na nakayuko sa harap ng salamin.

Nag-alangan ako kung lalapitan ko ba ito o dadaanan na lang.  Ngunit nakita kong maputla ang buong mukha at mga labi nito nang iangat nya ang mukha sa salamin. Maya-maya ay nasalo ko na lang ito sa bilis ng pangyayari.

Jeez. Nagcollapse sya.

Agad akong sumigaw upang humingi ng tulong.  May dumating na dalawang guard ng mall. Binuhat nila ang babae at dinala sa ambulansyang nakaabang sa entrance ng mall.  Pinasama pa ako dahil napagkamalan ako ng mga guard na kasama ko ito. 

Wala akong nagawa kundi samahan ang babae.  Nataranta na din kasi ako sa mga nangyari.



"miss? " nilingon ko ang nagsalita na nasa tabi ko.  Di ko napansin na gising na pala ito dahil kinakalikot ko ang phone ko.

"ay,  mabuti gising ka na.  Okay ka na ba? " tanong ko dito.

"pasensya na,  nakaistorbo ako. " sabi nito na nahihiya.

" walang anuman.  Sabi nga pala ng doctor,  anemic at over fatigue ka kaya ka nahimatay " paliwanag ko sa kanya.

"Alam ko" anyang ngumiti na labas ang mga ngipin.  Grabe, ang ganda ng babaeng ito. "Pasensya na ulit.  At salamat. Ako pala si Selena. Ikaw? " pagpapakilala nito.  Inabot nya sa akin ang kanyang kamay.

"Kelly" aniko at inabot ang kanyang kamay na nakalahad.

Nagkwentuhan kami ng konti.  Ayon kay Selena ay may hinahanap syang tao. Kaya lang ay nahihirapan syang makita ito dahil pinagtataguan sya nito.  Di naman ako nangahas na tanungin kung sino ang hinahanap nya.  Nakinig lamang ako.

Pasado alas siete na ng gabi ng payagan sya ng doctor na lumabas ng hospital.  Nagbilin pa sa kanya ang doctor na ipahinga muna ang katawan ng ilang araw at kumain sa tamang oras.

Hinatid ko na lamang sya sa LRT sa Monumento.  Nagpasalamat ulit sya sa akin.

"Thank you,  Kelly. Ammm... " sabi nitong nahihiya na naman.

"Ano yon? " tanong ko.

"Ah... Eh kasi...  Pwede ba tayong magpalitan ng number? First time lang ako nakarating dito sa Valenzuela. Wala akong kilala maliban sayo.  At nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kakilala. "

Yun lang pala.

"Sure" sagot ko.

Pagkatapos naming magpalitan ng phone number ay tuluyan na syang umakyat ng hagdan habang pakaway kaway ng kamay.

..............

Bigla kong naalala ang usapan namin ni Ciara.  Sh*ts!

Pero kanina ko pa hawak ang phone ko pero di naman sya nagtetext.  Kahit tawag ay wala.

Ano nga ba'ng nangyari sayo, Ciara? 

Umuwi na ako ng bahay.  Nakakapagod ang araw na ito.  Lumabas ako ng bahay para magkita kami ni Ciara.  Pero sa di inaasahang pangyayari,  iba pala ang makakasama ko. 

Magkakaroon na naman ako ng bagong kakilala.

Nagpahinga lang ako ng konti at natulog na.  Lunes na naman bukas.  May pasok na naman.  Gusto ko na munang magbakasyon.  Sana pasko na.

•••••••••••

TY =)

Sensya... 

Ngayon lang nakapag UD.

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon