Kelly - povNasa school kami ni Ciara. Pinapagpaliwanag ko siya sa akin dahil hindi nya ako sinipot kahapon.
"Pasensya ka na talaga ah. " si Ciara.
"Ano nga kasing nangyari? " tanong ko. Kinukulit ko sya kanina pa.
"Basta! Hindi muna ngayon. Sorry talaga kung di kita nasipot. " Nagmamatigas pa sya. Kahit anong pangungulit ko, ayaw nyang sabihin ang dahilan nya.
Mukhang may tinatago itong babaeng ito sa akin ah?
Simula na ng first subject namin. Itinuon ko ang isip ko sa klase. Gusto kong i-focus lahat ng attention ko sa pag-aaral.
Mahirap ang nahahati ang oras sa kung anu-anong bagay. Naiisip ko lang din siya. Hindi ko mapigil na hindi siya isipin.
Yung totoo?
Miss na miss na kita, Nicole.
Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit pilitin kong alisin sya sa isip ko, tinatraydor ako nito. Itong isip ko!
And the bell rang...
Focus. Focus. Focus.
Pero sumasagi talaga sya sa isip ko.
Natapos ang klase namin.Nagutom ako kakaisip.
Dumaan muna kami ni Ciara sa canteen."Uuwi ka na ba agad? " tanong ni Ciara sa akin. Nagtaka ako bigla. Di naman nya kasi ako tinatanong ng ganito pagkatapos ng klase.
"Oo. San pa ba ko pupunta? " sinagot ko sya ng patanong din.
Ngumiti muna sya ng nakakaloko. "Sama ka muna sa akin? " Inangkla pa nya ang kamay nya sa braso ko.
"Saan? " muli kong tanong.
"Sasabihin ko na kung bakit di ako sumipot sayo kahapon. Basta sumama ka lang sa akin"
Napakamisteryosa nya ngayon. Ano kayang nakain ni Ciara?Nagnod nalang ako. May magagawa pa ba ako e, curious na ako.
Tinext ko muna si ninang na baka gabihin ako dahil may pupuntahan kami ni Ciara.
From Ninang
Ingat ka anak. Magtxt k kung sundo p kita.bka Ala n msakyan.Tinext ko lang sya ng Okey po, nang =) .
Pagkatapos naming kumain sa canteen ay lumabas na kami ng school. Hinayaan ko lang si Ciara kung saan kami pupunta.
Sumakay kami ng taxi.
"Hala! Ciara naman? Baka malayo ang pupuntahan natin? " bigla akong kinabahan.
"Relax. Para kang sira. " tugon lang nito. Komportableng komportable lang sya sa kinauupuan nya.
Tumahimik nalang ako. Hihintayin ko nalang ang sunod na kabanata. Tsk.
Loko ka ,Ciara! Humanda ka sa akin kapag kalokohan ito.Huminto ang taxi sa na sinasakyan namin sa isang Resto bar. Nagtaka akong lalo.
"T-teka... Ciara? Bar 'to ah? "
Sabi kong kinakabahan. "ano bang meron? "Hinatak lang nya ako palabas ng taxi. Diri-diretso kami sa loob ng bar. Tahimik pa sa loob. May konting mga tao.
Hinatak ko ang kamay ko na hawak ni Ciara. Nilibot ng mata ko ang paligid. Napakaganda. Humahanga ako sa lugar. Pero...
"Ano ba'ng gagawin natin dito?" tanong ko. Makulit na kung makulit.
Di na muli pamg kumibo si Ciara. Nakangiti lang ito habang kinakalikot ang phone nya. Mukhang may tinitext.
"Hi, Girls! " tinig mula sa likod namin. Nang lumingon kami ni Ciara ay nakingiting si Meikon ang bumulaga sa amin.
"Hello!" bati ni Ciara kay Meikon.
"Meikon? Anon'ng ginagawa mo dito? " takang tanong ko.
"ah... eh... Yun nga kasi. Kaya hindi ka nasipot ni Ciara. Hinatak ko kasi sya kahapon nung makita ko sya sa mall. " paliwanag ni Meikon.
"pero bakit? " tanong ko. Puro nalang ako tanong. Naguguluhan kasi ako.
"Dun muna tayo sa VIP room." pagyaya ni Meikon.
Sumunod kami sa kanya. Pumasok kami sa isang malawak na kwarto. May nakapaikot itong upuan sa isang bilog na lamesita. Napakaganda din ng kwartong ito.
"Upo kayo girls" ani Meikon.
Sabay kaming umupo na magkatabi ni Ciara. Napakalambot ng upuan. Para lang akong nasa bahay.
"Game na " aniko habang umaayos ng upo. "magpaliwanag na kayo"
Nagtinginan muna sina Meikon at Ciara bago tumingin sa akin.
"Ah, Kelly. Lalabas muna kami ni Ciara. Dito ka lang muna. "
Nabigla ako sa sinabi ni Meikon.
Gulung gulo na ako!"Pero.... " di ko na natapos ang sinabi ko dahil nakalabas na sila ng kwarto.
Wala na naman akong nagawa. Go with the flow. Kung anong trip nila. Sige lang.
Umayos ako ng upo at nagkalikot ng phone. Magpapakabusy nalang ako dito sa cp ko.
"Kelly... "
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin.
Nakilala sya ng mga mata.
Nakilala sya ng puso ko.Ang bilis ng tibok ng puso ko. Titig na titig ako sa kanya.
Hindi na ko makagalaw.
Hindi ako makapagsalita."Kelly... " ulit nya sa pangalan ko.
Lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang papalapit na sya sa akin.
Ano ba ang gagawin ko?
---------
So what now?
Pagod pa po ako.
Pero UD pa din =)
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)