Kelly's P O V
Lumilipas ang mga araw. Malapit na ang Christmas eve. May plano kaya si Nicole? Sana naman huwag syang maging busy sa resto.
Gusto ko syang palaging masaya. Ayoko ng maalala nya yung masakit na nakaraan nya. Palagi ko syang pangingitiin. Hindi ko na sya aawayin.
" Babe, tara na. Mag-uumpisa na daw yung party sa cafe. Kanina pa ko kinukulit ni Tita", yaya ng babe ko.
Kakatapos ko lang mag-ayos. May Christmas Party ang mga employee ni ninang Marcy. Syempre invited kami ni Nhee.
" Okay,babe"
Mabilis kaming nakarating sa Cafe.
Ang ingay sa loob. Nagsimula na pala ang mga games."Kaen muna kayo" , salubong sa amin ni ninang.
Natutuwa kami sa mga staff ng cafe.
May palaro kasi si ninang na paunahang maubos ang ice tea sa baso. Gamit ang straw ng zest-o .
Nakakalimutan kong may pagkaen pala ako.Yung isang laro naman ay tatlong grupo na may apat na members.
Paunahan silang tunawin ang isang bloke ng yelo. Di ko ma-imagine noong una kung paano tutunawin iyon. Pero nung mag-umpisa na, tawang tawa na naman kami. Hindi magkanda ugaga ang mga naglalaro sa paglamas ng yelo gamit ang mga kamay nila."Hahaha. Loko talaga si tita",narinig ko pang sabi ni Nhee.
May mga laro pang sumunod. Aliw na aliw kaming manuod. Nang matapos ang games ay nagparaffle naman.
Niyaya akong lumabas ng cafe ni Nhee.
" Ang kwela talaga ni Tita. Sana sya nalang ang naging mommy ko" ,seryosong sambit ni Nhee.
"Ha?" , hindi ko alam ang sasabihin ko. Tila nagulat pa si Nhee sa mga sinabi nya.
"Ah .. Wala. Teka kukuha lang ako ng drinks sa loob. Dyan ka lang ha? " anya.
Ngumiti ako at tumango.
Pagkapasok nya sa loob ay biglang may dumating na isang magarang kotse. Hindi ko masabi kung anong kotse pero ang ganda. May bumaba na isang nakacocktail dress na babae.
Mukhang may bisita si ninang. Sa isip ko. Ngumiti ito at lumapit sa akin.
Pamilyar sya."Kelly? Is that you?", tanong nya.
Tinitigan ko sya. Pamilyar sya pero di ko talaga matandaan." Kelly! Its me,Selena.. Remember? Ako yung tinulungan mo."
Bigla ay rumehistro na sya sa utak ko. Oo nga. Sya nga.
"Oh, di kita nakilala. Anong ginagawa mo dito?" Masaya kong tanong.
" Nabalitaan ko kasi na ito yung Cafe ni Tita Marceline Villojan. Pupuntahan ko sya. Ikaw? Dito ka ba nagtatrabaho?"
" Hindi. Pero tama ka, nandito sya. Ninang ko sya."
"Nice. So it means, kilala mo din si Nicole?"
Kilala nya rin si Nhee. Bakit parang kinabahan ako? Malamang kilala nya dahil pamangkin sya ni ninang Marcy.
Tumango lang ako.
"Really? So , where's ......Nicole!?" Anyang mabilis na nilapitan si Nhee na kalalabas ng maindoor. Nabigla ako. Niyakap nya ito at Sabik na hinalikan.
Napatanga nalang ako sa kanila.
"Hon.. I miss you. Alam ko na ang lahat. Hindi mo ko niloko. My parents lied to me. Hinanap kita sa Bagiuo. Pero wala ka. Dito pala kita matatagpuan. I still love you. Sumama ka sa akin sa America. " umiiyak na sabi ni Selena.
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)