part 2 Friendship

96 10 4
                                    


Naglakad-lakad na ako para humanap ng sasakyan. 15 minuto na ang lumipas. Wala pa ding dumadaang sasakyan. Sa Mc Arthur na lang sana ako dadaan pero parang minamalas ako. Tulog pa ba ang mga tsuper? Tsk!

Malalim ang iniisip ko. Hindi ko napansin na may humintong sasakyan sa harap ko. Akala ko ay huminto lang talaga dahil magpapark kaya di ako nag-aksayang sulyapan.
Naglakad ako pa-abante upang mag abang muli ng masasakyan ngunit parang sinundan ako ng kotseng huminto sa harap ko kanina. Hindi pala "parang", sinusundan nga ako. Paghinto ko kasi ay huminto uli sa harap ko.

Medyo kinabahan na ako. Baka masamang tao ito? Baka rapist ? Kidnaper? Nakakaloka. At napansin kong bumababa na ang salamin sa bintana ng kotse nito. Lalo akong kinabahan.

Tatakbo na sana ako nang....

"Kelly?!" narinig kong tawag sa akin ng kung sino sa kotse. Nakatalikod na kase ako dito kaya di ko nakita. " Kelly, anong ginagawa mo dito? " tanong nito. Parang nakilala ko ang boses nito. Pinihit ko ang sarili ko parahap dito. Tama nga ako. Kilala ko nga. Walang iba kundi si Nicole. Aka Nhee.

" N-Nhee!" sambit ko sa pangalan nya.

" Kelly, bakit parang natatakot ka? Muntik ka pang tumakbo. " tanong nya.

" Akala ko kase masamang tao. Sabagay, bakit ko pagkakamalan, e ang ganda ganda ng kots... Uy! Teka kanino yang dala mong kotse? " takang tanong ko. Ang ganda kasi ng kulay. Shiny blue.

"Sa akin ito. Kinuha ko sa bagiuo." sagot nya .

" Wala kong masabi sayo. " tameme talaga ko. "ah. Baka pagod ka na. Kita na lang tayo sa bahay. Ingat! " sabi ko na lang.

Nagulat ako nang bumaba sya ng sasakyan nya. Lumapit sya sa akin.

" Ikaw talaga. Pwede namang sumabay sa akin. Sira ka rin. " natatawa nyang sabi at nabigla na naman ako. Hinawakan nya ang kanang kamay ko. Hinila nya ako papunta sa sasakyan nya.
Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay mabilis nyang isinuot sa akin ang seatbelt. Halos magkalapat na ang mga mukha namin ng tumingala sya.

" Kelly... " anya.

Napalunok lang ako. Ano ba 'to? Nakakailang.

" Amoy alak ka. San ka ba galing?" tanong nya. Hindi ko napansin na nakapwesto na sya upang magdrive.
Tila nahimasmasan din ako.

" G-Gimik lang with friends. Highest score kasi kami da class. " muntik pa akong mautal sa sagot ko.

" Ow, recquired palang uminom kapag high score ang nakuha? " , parang nang aasar na tanong nya.

Ngumiti na lang ako. Mabilis kaming nakauwi. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Alam kong hilo pa din ako. Naghalfbath muna ako. Medyo nagbabad ako sa tubig para mahimasmasan ang hilo na nararamdaman ko.

Nang masatisfied ako sa pagbabad ay nagbihis na ako. Lumabas na ako ng cr. Pero ang bilis ng kaba ng puso ko. Nagulat kasi ako ng makitang kampanteng nakaupo si Nhee sa kama ko.

" Papatayin mo ata kosa gulat! " inis kong sabi. First time nya kasi pumasok sa kwarto ko.

" Ang daya mo kasi. May gimik pala kayo, hindi mo man lang ako niyaya?" sabi nyang nagtatampo.

"Napasin ko kasi na busy ka eh. Saka hindi ko alam kung anong number mo. Edi sana naitext kita " , pagdadahilan ko.

Hindi sya sumagot. Nakita ko lang na kinuha nya ang phone ko na nakapatong lang sa kama. May pinindut-pindot doon at ibinalik uli.

" Naka-save na yung contact ko. Text mo nalang ako kapag may gimik kayo para sabay tayo uuwi. " -Nhee

Umupo na din ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung ano ang nilagay nya.

CUTIENHEE
0906****085

Parang bata. May cutie pa sa pangalan.

" But for now. Bonding muna tayo. " Lumabas sya ng kwarto ko. Pagbalik nya ay mga dala syang lata ng beer 🍻 .

" Baka malasing na ako nyan. " sabi ko. Totoo naman kasi hilo na ako kanina sa restobar. " saka wala namang okasyon, diba? " dagdag ko pa.

" Meron tayong ise-celebrate. Ang araw ng friendship natin. September 01, 2016. Tandaan mo yan ah! " natatawang sagot nya.

"Friendship? So magkaibigan na tayo? Akala ko kasi hindi eh. " biro ko.

" Tara na nga. Oh, kunin mo. Cheers! " mabilis nyang inabot sa akin lata ng beer. Kinuha ko ito. Hindi ko tatanggihan ang pakikipagkaibigan nya. Masaya ako ngayon. Dahil nagkakalapit na kami. Dahil opisyal na kaming magkaibigan.

Pero sa isang banda. May kakaibang impact sa akin si Nhee. Naguguluhan lang ako. Pero masayang masaya ako.

-----
TheImaginerGal
ICantWriteStraight

Hello po mga idol kong author.

Inspired akong sumulat ng kwentong gxg dahil sa inyo. Thankyou.

*******

At sa pinakamamahal kong partner. Salamat sa pang unawa. Minsan mas may time pa akong mag wattpad kesa sa inyo ni CL.
Hilig ko lang ito. Pero Love ko kayo.

=) YEMSi

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon