Nhee - povButi na lang mabait si Lord. Hindi nya hinayaang masira yung nabuong friendship sa amin ni Kelly.
Araw araw ko na syang hinahatid at sinusundo sa school nya. Madalas ko din syang tinatawagan at tinitext.
Kahit walang kapalit. Hindi ako maghihintay ng kapalit. Di na ako mag-e expect ng kapalit. Makukuntento ako sa meron kmi ngayon.
"Kamusta ang school" tanong ko sa kanya nang makita na sya sa gate ng school nila.
"Ginawa mo kong kinder. " sagot nyang tumatawa.
Alam kong matalino si Kelly. Sya ang laging tinatawagan ng mga kaklase nya pag may hindi maintindihan sa mga subject nila.
"For you" sabi ko sabay abot ng maliit na stuff toys.
"Para san 'to? " namumula nyang tanong.
"Ilang linggo akong mawawala eh. May inaasikaso ako " inakbayan ko sya papunta sa kotse ko. "Yang stuff toy na yan para pag namiss mo ako. Hug mo lang. "
Di sya kumibo. Namumula sya. Nakasakay na kami ng kotse. Pauwi kami ng bahay.
Rush hour. Himala dahil walang traffic. Nakauwi kami agad sa bahay.
"Nhee" ani Kelly. Huminto sya sa paghakbang papasok sa pinto ng bahay. " Salamat sa sfuff toy. "
"welcome" Sagot ko.
Hinayaan ko na syang tumuloy sa kwarto nya. Alam ko kasing lalabas sya agad.
Tama nga ako.
Ang bilis ng takbo nya papunta sa akin. Natawa tuloy ako.
"Nhee! " nagpaused muna sya. Hinihintay ko ang sasabihin nya. "B-bakit ang d-daming bulaklak sa kama ko?! "
"Bukas kasi ang alis ko. Surprise ko lang yan sayo. Di kasi kita makikita ng matagal"
Inakbayan ko na naman sya. Pabalik kami sa kwarto nya."Di mo kelangang gawin ito. Babalik ka naman diba? "
"Alam mong special ka sa akin"
"So sintu-sinto ako?" biro nya.
Natawa ako sa tanong nya.
"Mamaya pala may dinner tayo kasama sila Meikon at Leslie. Gusto ka makilala ni Leslie. "
Ni minsan ay hindi pa sila nagkakilala. Masyadong busy si Leslie sa trabaho.
"Sige. Magbihis lang muna ako. " paalam nya. Lumabas na ako ng kwarto nya.
******
Nandito kami ngayon sa Cafe ni Tita Marcy. Nasa VIP area kami. Nagluto si tita ng mga ispesyal nyang putahe. Lahat ay masarap talaga.
"Mga Girls, at ikaw haphap. " tukoy nya kay Meikon. Natawa tuloy kami sa biro ni tita. "Enjoy the dinner ah! "
"Makahaphap ka naman, tita! Pareho lang kami ni Nhee." sagot nya.
Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya. Nagulat kadi si Kelly sa sinabi nya.
"Oh? Bakit ako nadamay dyan? "
"Naku, magtigil kayong dalawa! Kakaltukan ko kayo eh! " sabad ni Leslie. Kwela rin ito at makulet.
Nung ipakilala ko si Kelly sa kanya ay naging close agad sila. O baka feeling close lang itong si Leslie.
Masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan.
"Kelly, san ka magbabakasyon? Mag-uundas na ah? " tanong ni Leslie kay Kelly. FC talaga. Feeling Close.
"Kung tatawagan ako ni mama. Baka uuwi ako ng Batangas. " sagot ni Kelly.
"Aahhh...Eh ikaw? Tuloy talaga alis mo? Manghiram ka nalang kasi sa parents mo para matapos ang problema mo. " Baling sa akin ni Leslie.
Napansin kong nagtaka ang reaksyon ni Kelly sa sinabi ni Leslie. Tumingin tuloy sa akin si Kelly.
"Extra income lang. Pinapapunta ako ng kaklase ko dati sa Italy. Kailangang kailangang ko na kasi ng pondo para matapos ang Resto bar namin ni Meikon. " Paliwanag ko kahit hindi sya nagtatanong.
"Eh, bakit nga ba hindi ka humingi ng tulong sa parents mo? " Tanong ni Kelly. Tsk. Ayoko sanang sagutin eh.
"Hindi nila alam na magnenegosyo ako. " Sagot ko.
"Ah! " sabad ni Meikon. "Kaya pala sa akin mo ipinangalan yung Resto eh. Nagets ko na! "
Baliw talaga itong si Meikon. Napakadaldal.
"Change topic na nga. " sabi ko nalang.
"Okey...... " sagot ng magkasintahan. Ay, ang kulit!
Tahimik lang si Kelly.
Hindi ko alam ang iniisip nya.Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sina Meikon at Leslie sa amin. Kami naman ni Kelly ay umuwi na sa bahay.
Nagbabyahe kami pauwi. Panay ang lingon ko kay Kelly. Napakatahimik nya. Kanina ay nakikipagsabayan sya sa pagkukwentuhan namin. Nagatataka ako.
"May gusto ka bang itanong? "
Tanong ko sa kanya."Ha? " gulat nya.
"Ang tahimik mo kasi. Baka may itatanong ka? "
"Simula ng magkakilala tayo. Never kang nagkwento about sa family mo? " tanong nya.
Sabi ko na nga ba, may itatanong sya."Saka ko na lang sasagutin yan. Maybe next time pagkabalik ko."
Tumahimik na lang ulit sya.
Pagkadating sa bahay ay naggoodnight na sya sa akin. Pumasok na sya ng kwarto nya.
Pumasok na din ako sa kwarto ko. Mga ilang minuto lang ay di ko matiis ang mga paa ko. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Kelly.
Tok tok.
Bumukas agad ang pinto ng kwarto nya. Nakita kong nakabihis na ng pantulog si Kelly.
" Kelly " sambit ko.
"Bakit? " tanong nya.
"Pwede bang magrequest? "
"Ano yun?"
Huminga muna ako ng malalim. Please don't reject me!
"Can I...... kiss you? " tanong ko. Pero hindi sya sumagot.
Is this a sign of saying YES?
pumasok ako ng kwarto nya dahilan para mapaatras sya. Sinarado ko ang pinto.Dahan-dahan akong yumuko upang ilapit ang mukha ko sa mukha nya. Hindi sya gumagalaw. Nakapikit lang sya. Idinikit ko na ang labi ko sa labi nya. Hinawakan ko sya sa bewang. Hindi pa rin sya pumiglas. At yung smack lang sana ay mas humaba pa. Then I start to move my lips. Gusto kong maging makabuluhan ang halik na ito upang may baon naman ako sa pag alis ko.
"Hmmmmmn" nag moan sya.
Ginanahan tuloy ako. Hinawakan ko ang kamay nya at nilagay sa leeg ko. Di sya tumatanggi.
Dahan dahan kaming humakbang papunta sa kama. Tumigil ako sa paghalik sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata. Nakatingin lang sya. Parang naghihintay ng kasunod. Inihiga ko na sya. Dinaganan at sinimulang halikan sya . Kung hindi nya ako pipigilan, mawawalan na ako ng control.
•••••••••••
Oooopss!
Spg na.Slowly but surely =)
Natutuwa ako dahil ma nagbabasa.
Thank you & enjoy!
----Yemsi
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
Non-FictionLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)