chapter 2 curiousity

125 8 0
                                    

  Kelly POV

Gabi na ng dumating si Nicole. Nhee na lang pala. Close na kami. Siguro. Hehe!
Mukhang pagod ito. Di nya kasi ako napansin sa sala pagdating nya. Dumiretso lang sya sa kwarto nya.

Nalungkot ako. Slight!  Pero okey lang. May bukas pa naman para makakwentuhan sya. Ooops! Teka nga. Bakit ba ako sabik na sabik na makakwentuhan sya?

Namiss ko lang siguro magkaroon ng kakwentuhan. Sabik na sabik ako sa kaibigan.  Oo, ganoon nga.

Anong ngiti ko ng bigla nalang syang lumabas muli sa kanyang kwarto. Iba na ang suot nito. Nagbihis lang pala.
Papalapit sya sa akin at nakangiti.

"Gandang gabi, kelly"aniya sabay ang paglingon sa paligid "si tita? "

"Pauwi na din 'yon" sagot ko.  "kumain ka na ba?" tanong ko naman.

"Oo. Thanks. Nagkita kase kami ng bestfriend ko kanina. So kumaen na kami"masaya nyang sagot. 

Aww. May bestfriend na pala siya.

"Ikaw?  Kumaen ka na ba?"balik tanong niya.

"Busog pa ako" pinilit kong ngumiti.  Sa totoo lang, nawalan ako ng gana.  Hinintay kopa naman siya.

Sabay kaming napalingon sa bumukas na maindoor.  Dumating na si ninang Marcy.
Good mood ang mukha niya. 

"Hi, girls! " masaya nitong bati sa amin at lumapit. Niyakap agad siya ni Nhee.  Napakalambing naman niyasa tita niya.

"Tita Marcy,  namiss kita.  Maghapon kang di nagpakita sa akin. " maktol ni Nhee sa tita nya.

"I miss you too. "sabay tawa ni ninang marcy. 

And blah blah blah....
Nagkwentuhan na sila. Kinuha ko nalang ang 📱 phone ko.  Kunwari ay busy nalang ako.

Dumiretso sila sa kwarto ni ninang Marcy. At ako?  Naiwan dito sa sala.  Tsk!  Tulog nalang ako. 

•••••••

Kinabukasan.

8am na ko nagising. Buti nalang at 1pm pa pasok ko sa school.

Daily routine. Done.

Lumabas na ako ng kwarto ko. May hinahanap yung mga mata ko. Wala sila? Busy mga tao. Tinungo ko na ang kusina.  Prepare lang ng breakfast.

Nakakabored. Always everyday, lagi nalang ganito.
Habang kumakaen ako ng agahan ay tumunog naman ang phone ko.

"Hello. Kelly speaking... " sagot ko.

"Kelly! Punta ka dito sa bahay now na! Nawawala kase yung ipapasa nating group project nextweek..  " Si Ciara ma classmate ko sa comsci.  Tarantang naiiyak na sabi nito. 

"What!?"di ako makapaniwala sa sinabi nya.  3weeks lang naman naming pinaghirapang hawin iyon.  At ngayon,  nawawala pa!

"Please punta kana"pag mamakaawa nito.  Kaya ako.  After maligo.  On da go na ako. Isang jeep lang naman ang bahay ni Ciara kaya mabilis ako makakarating. Pero sulpot bigla ai Nhee sa harap ko.

"alis ka? " tanong nya.

"Oo.  Importante ee. " sagot ko naman. 

"Hatid na kita.Saan ba yan? " anya.  Wow!  Bigla na naman akong sumaya.  Bakit kya?
Si Nicole lang yan, kelly!

"Wag na.  Dyan lang naman sa malinta iyon.  Ge thanks! "  aalis na sana ako mg pigilan nya ang kamay ko. Bigla na naman sumulpot ang kakaibang boltahe sa balat ko.

"hatid na kita" pamimilit nito. "doon din ang daan ko e"

Tango nalang ako.  Speechless na kase ako e.

Ginamit nya ang isang sasakyan ni ninang Marcy. Habang lulan kmi nito ay bigla syang nagtanong.

"Kelly? May boyfriend kana?"tanong nya na ang mga mata ay tutok sa magmamaneho. Medyo nailang ako. 

"Nagkaroon dati.  Kaya lang, wala na ngayon. " aumagot na lng ako.

"Good" anya sabay ngiti. 

Naguluhan ako dun ah.

"Bakit mo natnong? " curious kong tanong."may orereto kaba sa akin?"

"parang ganun na nga." nakangisi nyang sabi.  Hindi na muli syang nagsalita.

Ako?  Curious lang naman ¤.¤

*********
Thanks po, kahit papaano may magbabasa.  Hehehe
Medyo wala pa kong gana.  Pero thanks pa din.

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon