Nicole/Nhee POV
Masaya akong makasama ng ganito si kelly. Lagi syang nakangiti. Nakakahawa yung pagiging masiyahin nya.
Nang makauwi na kami sa bahay ay mabilis syang nagbihis ng pantulog na damit. At tumambay na dito sa kwarto ko. Nakakatuwa talaga sya. Sobrang energetic.
Inaantok na nga ko kanina nung sinundo ko sya sa school pero nawala bigla ng makita ko na sya.
" Babe, bukod sa kasama mo ko, bakit mukhang masaya ang mood mo ?" tanong ko.
" Ah... Halata ba ? Si Ciara kase , nakapasa sa audition sa tv. Mag aartista na . " masaya nyang sagot . Iyon pala ang dahilan.
"Good for her. Masaya din ako para sa kanya." sabi ko naman.
"Nhee, alam mo, lagi na akong masaya kapag nagkakasama tayo ng ganito. Masayang masaya ako." Bigla ay kinilig ako . Tama bang magimg seryoso sya ?
"Mas masaya ako kasi natutunan mo kong mahalin." sagot ko .
"Hindi ka ba nagsisisi na ako yung minahal mo ?" tanong nya. Napakaseryoso naman ng usapang ito.
" Babe, kahit kailan , wala kong pagsisisihan. Mahal na mahal kita. " Hinila ko sya palapit sa akin . Hinalikan ko sya sa noo.
Nagulat naman sya sa ginawa ko.
" Hindi ko alam kung bakit ako nainlove sayo. Ang possesive mo , babe. " sabi nyang tatawa-tawa.
" Sayo lamg ako ganito. Mag-ingat lang talaga mga aaligid sayo ." sabay taas ko ng braso ko. " lagot sila sa muscle ko " dugtong ko.
"yabang" natatawang sambit ni babe. Kahit pabiro ko yung sinabi. Seryoso ako dun .
Hindi nga pala alam ni babe na nag-aral ako ng martial arts. Saka ko na lang siguro ikukwento.
" Babe, movie marathon tayo ? Kunin ko lang yung portable dvd . " sabi ko sa kanya. Mapupuyat na naman kami nito.
" Sige babe. " tugon ng babe ko. Pumwesto na syang nakadapa sa kama.
Nang mai-set up ko na ang portable dvd ay tumabi na din ako sa kanya. Syempre nakadapa din ako. Malapit lang ang mukha namin sa screen.
Lesbian story yung pinanonood namin.
Girls Love ang title. Kitang kita ko yung kilig ni kelly sa pinanonood namin.••••••••
Author's PovYung Girls Love po na story, kwento yung ng magkadormmate na istudyante. Isang lesbi at femme. Nagkainlove-an sila pero may hadlang . Isang boy na siniraan sila sa loob ng campus. Nalaman ng parents ng girl yung relasyon nya sa lesbi kaya nagalit ang mga ito .
*********
Back to nhee's pov
Nang matapos ang pinanonood namin ay mukhang nabitin ang babe ko. Nagagalit sya.
"Nakakainis maman babe! Bitin naman! Bakit nag attemp yung babae na magsuicide?! Ayan tuloy nilayuan sya ng mahal nya. Akala yata makakabuti yun pag nilayuan sya !!! " sabi nyang galit na galit.
"Babe, relax ka lang. Kwento lang yan . Saka malay mo may part 3 yun ? Doon na sila magkatuluyan. " Pampalubag loob ko sa kanya. Part 1 at part 2 kasi yung pinanood namin. Totoo namang nakakabitin .
" Ayokong mangyari sa atin yun,babe! Kahit may mga struggle , wag tayo maghiwalay .. " baling nya sa akin. Kinilig na naman ako. Hehe.
" Hindi tayo maghihiwalay, kahit na dumating yung point na hiwalayan mo ako. Hindi kita bibitawan . " Tugon ko sa kanya sabay halik ng mabilis sa labi nya. Natawa sya sa ginawa ko.
Pero nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang mga pisngi ko . At halikan ako..... This time kasi sya yung humalik . Nambibigla pa. Kilig na kilig ako. Akala ko, bibitaw na sya, pero nag uumpisa pa lang pala sya. She started to move her lips trying to enter her tongue to my mouth. Bigla ay nag init ako. Init na pinigil ko ng ilang buwan buhat nung huling naganap.
Gumanti na ako ng halik. Hinawakan ko na rin ang mukha nya. Hindi ako makuntento kaya mabilis ko syang inihiga. Mas masarap syang halikan sa ganitong posisyon. Gusto ko na syang patungan pero pinipigilan ko pa ang sarili ko. Pinagsasawa ko munang halikan sya. Yung moment na ito. Napakasarap ng feeling .
Hanggang sa yung pagpipigil ko lalong nasasabik. Ibinaba ko na ang halik ko sa leeg nya. Alam kong nakikiliti sya. Hinawakan ko na rin ang dibdib nya. Kung hindi nya ko pipigilan , talagang may patutunguhan ito.
Sobrang busy na ko sa ginagawa kong paghalik sa babe ko. Init na init na ko. Iniaangat ko na ang pang itaas nyang damit pero sa di inaasahang pangyayari....
"Oh my girls !" bulalas ni tita Marcy mula sa pintuan ng kwarto ko.
Sabay kaming napalingon ni Kelly kay tita. Bigla ay itinulak ako ng babe ko palayo sa kanya at mabilis na bumangon. Kitang kita ko yung pagkataranta at takot sa mukha nya. Pulang pula sya.
Si Tita Marcy naman ,shock na shock. Hindi makagalaw sa kinatatayuan nya.
"Tita , what's going on ? Dapat kumatok ka muna. " maktol ko sa kanya.
Bigla ay natauhan na sya ng magsalita ako.
"Nicole ! What are you doing ?!" pagalit na tanong ni tita sa akin . Nilingon ko si Kelly na di makatingin kay tita. Alam kong naiiyak na sya.
" We're almost making love." matapat kong sagot . Nanlaki bigla ang mata ni kelly sabay tadyak sa paa ko.
Pero mas malaki yung mga mata ni tita . Mas lalo yatang nairita.
" Nicole, mag-usap tayo. Yung matino ! Sumunod ka sa akin ngayon na ! " utos ni tita sa akin at nauna ng umalis .
Naiiling na lang ako.
"Babe naman ! Bakit mo yun sinabi kay ninang !? " tanong nyang naiiyak na.
"Wag kang umiyak ,babe. It will be fine. Mag uusap lang kami ni tita, okay ? Pahinga ka na dito. Dito ka matutulog sa kwarto ko. Di pa tayo tapos. " biro ko da kanya . Hinampas nya tuloy ako ng unan .
"Puro ka naman biro e !" anya.
"Dahil ba sa nangyari ngayon, hihiwalayan mo na ko ?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya. Hindi sya makasagot. " Babe, akong bahala okay? Relax ka lang. Sige na. Pahinga ka na."
Tumango na lang sya .
Natatawa akong lumabas ng kwarto ko. Takot na takot ang babe ko. Habang relax lang ako. Pinuntahan ko na si Tita Marcy na nag -aantay sa akin sa sala. Nakaupo ito sa sofa habang naka crossed arms.
•••••••••
Na- huli ka balbon lang ang peg ! Haha !
Hala .. Ano na ang mangyayari ?
kayo ba ?
Kinakabahan na din ba kayo kagaya ni kelly ?Next chapter
The Revelation
😊😊😊
-Yemsi
BINABASA MO ANG
Loving You, Endlessly (Lesbian Story)
NonfiksiLove no waits =) Paano mo pa masasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo kung alam mong may tao ding nagpapahalaga sa kanya? I'll try my best para pakiligin kayo =) Thank you 😍😍😍😍 sana mainlove kayo =)