Go with the flow (part 2)

64 5 3
                                    

Nhee - pov

"Kelly..." tawag ko ulit sa kanya at humakbang na ako palapit sa kanya.

Pero nag-iwas lang sya ng tingin. Tinutok lang nya ang mga mata nya sa hawak nyang phone.

Alam kong galit sya. Nararamdaman ko iyon simula ng hindi na sya magparamdam sa akin.  Hindi na nya sinasagot ang mga tawag ko.  Ni hindi na rin sya nagrereply sa mga text ko.

Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganon. Pero kalaunan, na-realized ko na baka marahil nung huling usap namin sa phone na biglang nagsalita si Tanya ng di ko napansin man lang na sumulpot ito. 

Paglapit ko ay agad akong umupo sa tabi ni Kelly.  Agad  ding syang nag-iwas ng tingin.  Pinihit ko ng konti ng katawan ko paharap sa kanya.

"Kelly... " ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nya. "Mag-usap tayo. "

"Wala tayong pag-uusapan"  tugon nya sa sinabi ko. Hindi pa rin sya tumitingin sa akin.

"Meron. Madami." hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.

Bigla nyang iniwas ang kamay nya. Tumayo at humarap sya sa akin.

"Nhee.. " anyang nakangiti.  "Kung iniisip mo yung huli bago ka umalis, forget it.  Wala naman iyon sa akin. At isa pa,  di ko na yun iniisip. "

Nagulat ako sa sinabi nya.  Naikuyom kong bigla ang dalawang kamao ko. 

What the hell you're talking about?!  Wala lang sayo?  Samantalang ako,  alalang-alala habang nasa malayo akong lugar!  Did I expect to much?  Akala ko gusto mo na ako kaya pumayag ka sa namagitan sa atin?  FUCKED!!!

Gusto kong ibulalas pero di ko ginawa. Pinilit kong huminahon.

"Ganoon ba?"pinilit kong ngumiti. "Akala ko kasi magdedemand ka na after what happened.. "

Bakit parang mas gusto ko syang mainsulto?  Naiinis ako sa sinabi nya. Balewala lang pala sa kanya yun.

"Hindi naman ako ganun.  Bye the way,  uuwi na ako kasi madami pa akong ire-review. " pagpapaalam nya.

"Nakalimutan mo yatang magkasama lang tayo sa bahay? Hatid na kita. "

"Don't mind me. Di na kita aabalahin. " mabilis syang lumabas ng kwarto.

Parang di ko na maisip na biglang nagbago si Kelly.  Almost 2 months lang ako nawala pero parang ibang tao na ako sa kanya.

Lahat ng expectation ko,  nawala.
Nasira din lahat ng mga plano ko. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil lang sa sobrang pag-eexpect ko.

Masakit.
Masakit sa tenga ang mga sinabi nya.

Nag-stay lang muna ako dito sa VIP room. Nanghihina ang tuhod ko.

••••••••••••

Kelly - pov

Nagmamadali akong lumabas ng restobar.  Hindi ko na hinintay pa si Ciara.  Babagsak na kasi yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Galit ako kaya ko nasabi sa kanya ang mga bagay na iyon pero di ko aakalaing maiinsulto ako sa sasabihin nya. 

Ako?  Magdedemand?

Bakit?  Nabuntis ba ako para magdemand?
Nakakainis!

Yung pagka-miss ko sa kanya,  napalitan ng galit! 

Mabilis akong nagpara ng taxi. Gusto ko ng umuwi.  Halos kalahating oras ang naging byahe ko ng makauwi na ako.
Nadatnan ko pa na paalis si ninang Marcy.

"Oh,  anak?  Okay ka lang ba?   Bakit maputla ka? " takang tanong ni ninang.

" Maputla po? " maangmaangan ko. "Baka po anemic na ako. "

"Magpacheck-up ka bukas. Mahirap magkasakit. "Payo ni ninang sa akin.  "Babalik muna ako sa Cafe,  ah? "

Tumango lang ako.

"Oo nga pala.. " si ninang,  isinilip ang ulo sa pintuan.  " tumawag si nhee.  Nakabalik na sya.  Maya-maya ay nandito na sya. "

Tumango ulit ako.  Tuluyan nang umalis si ninang dahil narinig ko na ang pag-andar ng kotse nito.

Ano kaya kung matulog na ako? Para di ko na sya makita mamaya. Hindi mawala-wala yung inis ko sa kanya.

Pumasok na ako ng kwarto ko.  Naghalfbath lang ako.  Sunod ay humiga na ako at pumikit.

TOK

TOK

TOK

TOK TOK TOK TOK......

Sunud-sunod na ang katok na narinig ko kaya napabalikwas na ako ng bangon.

Naalimpungatan ako dahil sumasakit ang ulo ko. Pinilit kong tumayo para buksan ang pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko pero di ko ibinuka ng malaki ang pinto.  Nasilip ko agad si Nhee. Nakayuko at nakaharap sa pader na malapit sa pintuan.

Nakatingin lang ako sa kanya mula sa maliit na siwang ng pinto. Nag - angat sya ng tingin sa akin. Ngumiti sya at lumapit ng tuluyan.  Nagulat pa ako ng bigla nyang ibalibag pabukas ang pinto ng kwarto ko dahilan para mapaatras ako.

"Nhee... L-lasing ka ba?  " tanong ko sa kanya.  Nahalata ko iyon dahil mapula ang mukha nya.

"H-hindi... Naka.. inom lang... " sagot nya at kasabay nun ang pagclick ng lock sa pinto ng kwarto ko.

Napaatras ako ng nakita kong papalapit sya sa akin. Bigla ay kinakabahan ako. Hindi sya tumitigil sa paglapit ganun din ang pag atras ko.  Hanggang di ko na magawang umatras pa.  Dahil pader na ang nasa likod ko.

Mabigat ang mga kamay ni Nhee ng ilapat nya ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ko. Papalapit ng papalapit na din ang mukha nya sa mukha ko.
Mabilis ko syang itinulak.

"Lasing ka!  Ano ba, Nhee? " sigaw ko sa kanya. Habang tinutulak sya.

Tumawa lang sya ng nakakaloko.

"Don't you ever miss my lips? " tanong pa nya.  Nagulat ako ng hablutin nya ako papunta sa kama ko.  Napaupo ako  .

Hindi ako makapagsalita.  Nagugulat ako sa Nicole na nasa harap ko.

"B-bakit? " tanong nya.  Garalgal na din ang boses nya. Di ko maintindihan.
Di ko din inaasahang luluhod sya sa harap ko. " Ang sakit! " anya.

Wala akong masabi.  Wala akong ideya kung bakit nagkakaganito sya.

"Kelly,  please...  Di ko na kaya...  Sobra na kitang mahal! " she confess for the second time around .

**********

Ooops! 
Sorry for late updates.
T. Y.  Sa mga readers.





Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon