Chapter 13 Pasubali

73 3 0
                                    

Kelly - pov

Kung pwede  lang
'wag mo na itong iwasan
At 'wag mo ring ituring na biro
Marahil to'y di mo inaasahan
Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto

"Kelly,  please...  Di ko na kaya...  Sobra na kitang mahal! " she confess for the second time around .

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Yung galit na nararamdaman ko sa kanya biglang naglaho. Nahimasmasan yung puso ko.  Gusto ko syang yakapin ng mga oras na to pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Lasing ka kaya mo sinasabi iyan... " ayokong mag-expect. Gusto kong manigurado.

"Nung nasa Italy ako... ang tanging baon ko lang yung pag-asang may babalikan na ako dito. Umaasa akong gusto mo na ko. Napakatanga ko para.... " yumuko sya.  "umasa." dugtong nya.

Parang piniga ang puso ko sa sakit na nararamdaman nya. Heto sya sya harap ko.  Ang isang magandang babae na nakaluhod sa harap ko ay nagko-confess na naman ng feelings nya sa akin.

Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na pagkakailang tayo
Kayrami ng pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan
Nagsusumamo na
Sabihin mo...

"Kelly...  ang sakit lang talaga na binabalewala mo ako. I'm sorry kung nainsulto kita kanina. Pero mas gusto ko sana na nagdemand ka nalang sa akin.  Mas gugustuhin ko pa iyon.  Mahal kita. " sabi nya habang umiiyak. Hinawakan ko ang pisngi nya at iniharap sa akin.

"Tama na,  Nhee. " pinusan ko ang mga luha nya gamit ang mga kamay ko. "Hindi kita binabalewala. Nasaktan lang din ako sa mga nakita ko. "

Lumukot ang mukha nya sa sinabi ko.

"Ano'ng nakita?  Hindi ko maintindihan. " takang tanong nya.

"May nakita kasi ako sa phone ng classmate ko. Sa facebook nya. May picture kayo doon ng mga kasama mo sa Italy.  N-nkita ko din na may katabi kang babae na nakaangkla sayo...  Naalala ko yung tumawag sayo ng sweetheart"  paliwanag ko sa kanya.

Bigla syang ngumiti. Tumayo sya at tumabi sa akin. Hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Kelly...  She 's Tanya.  Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya..."

"Kaibigan lang ang tingin mo sa kanya?  So, may gusto sya sayo?"

"Yeah.  Pero ikaw ang gusto ko. " tinitigan nya ako sa mata. "ikaw lang"

Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging may kinikimkim
Patuloy na lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit ...

Saglit akong natahimik sa katapatan nya.  Kaysarap marinig ng mga sinabi nya. Kung panaginip lang ito, sana ay may gumising na sa akin. Dahil feeling ko, kapag binawi nya ang mga inamin nya ngayon ay mababaliw ako.

" Kelly.... " patuloy nya.  " Huwag mo akong pagdudahan. "

"Bakit hindi ka pa noon nagpaliwanag? "

"Dahil iniiwasan mo ako" mabilis nyang sagot.

"Maraming paraan,  Nhee "

" Inirerespeto ko ang pag-iwas mo.  Ayaw kitang maguluhan habang magkalayo pa tayo.  "

" Pero bakit ginugulo mo ako ngayon?  " tanong ko na may kasamang biro.

" Kelly...  Ginugulo kita kasi... " mukhang hindi nya alam ang isasagot nya.

Loving You, Endlessly (Lesbian Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon