Nahihirapan na akong tumingin sa ibabaw,
Tanging liwanag lang ang aking tanglaw,
Mula sa ilalim dilim ang tumatanaw,
Hindi maka piglas , hindi makagalaw.Nalulunod sa lalim ng pagmamahalan
At sa pangakong hindi pinanindigan.
Namatay sa gitna ng kawalan
Mula ng ako ay iyong iniwanan.Lulubog nalang uli ako sa katangahan ko,
At maghihintay na ako'y sagipin mo.
Kung alam ko lang na ako ay babalikan mo,
Sasadyain ko nalang na patayin ang sarili ko.Sana may pag-asa pa na magkaroon muli ng ikaw at ako, para masabi ko na ako ay
tunay na minahal mo noong panahong nagmumula lang ang mga salitang iyon sa mga labi mo.-PrinsipeUlan-
![](https://img.wattpad.com/cover/102403752-288-k130120.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...