Ilalim

402 6 0
                                    


Napaka lalim ng dapat kong lusungin,
Pero sa tingin ko ay napaka babaw naman ng pag tingin mo saakin,

Minsan nahihirapan na ako, at may pagkakataong konting-konti nalang ay susuko na ang puso ko,

Pero laging dumadating sa punto na sinasabi ko sa sarili ko na "Hwag",

"baka kasi may pag-asa pa na mahalin mo din ako,"

"Baka may pag-asa pa na maging tayo,"

Kahit na pagod na ako, handa akong lumangoy sa lalim mo, at handa akong malunod sa karagatan ng sakit at katotohanan mapa saakin ka lang mahal ko.

-PrinsipeUlan-



TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon