Akala ko tayo pa,
Akala ko masaya ka pa sa piling ko.Sa bawat pag apak ng talampakan ko sa damo, unti unti itong namamatay at nag kukulay abo.
Bawat pag tingin ko sa makukulay na bulaklak,
Dahan dahan itong nalanta, nawala at naging alikabok.
Tinanong ko sa sarili ko,
Tama pa ba ang lugar na ginagalawan ko?Tama pa ba ang mundong kinalalagyan ko?
O buong akala ko lang na saatin itong paraiso?
Buong akala ko na merong pumapagitan saating magkaibang mundo,
Yan nga ba ang totoo?
O sadyang nagpaloko ako sa isipan ko?Pinaniwala ko ang sarili ko na merong tayo,
Pinaniwala ko ang sarili ko na saatin ang bawat bulaklak at damo sa munting paraisong ito.
Pero di nagtagal, nalaman ko ang totoo,
Naliwanagan ako at nalaman ko na
WALANG TAYO...-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...