Basta mahal kita!

1.5K 19 0
                                    

Ngayong wala ka sa tabi ko,
Pinagdarasal ko na sana kahit sa panaghinip ay tabihan mo ako.

Kahit sana sa panaghinip ay masabi ko sayo ang mga bagay na nakaligtaan ko,
Mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa oras na alam ko ang ginagawa ko.

Pasensya na nagpaka pipe ako at hindi ko nabigkas agad ang mga salitang nasa puso ko.

Hindi ko nabigkas ang salitang kay tagal ng naka baon sa dibdib at sa damdaming nakatago.

Kaya sana kahit sa panahong tulog ang katawan ko,

Magawa kong gisingin ang sarili ko para lang sayo mahal ko.

At sana pag-gising ko ay alam mo na ang mga bagay na ito.

Sana alam mo na,
Mahal kita kahit naka pikit ang mata ko,
Gusto kita kahit sampu ang kurba mo,
Di kita iiwan kahit unahin mo mga....

Ahhh! Basta mahal kita!

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon