Maaari Ba?

2.7K 34 3
                                    

Unang araw ng makita kitang nakatawa,
Unang araw na makita kitang masaya.

Mga labi ko'y kusang tumawa,
Halakhak ng damdamin,
dala ang tunay na saya.

dahandahan akong tumingin,
Sa iyong matang sinasalamin
Ang tunay na damdamin
na matagal mo nang nais sabihin saakin

Pero Iyong winika ang katagang
"mahal ko na sya"
Ng may ngiti at saya sa iyong mukha.

Akala ko ang sasabihin moy tungkol saatin,
Kaya ang saya koy lumaganap sa hangin.

Pero hindi pala,

Sana hindi na kita nakitang nakatawa
Ng hindi na napukaw ang aking mga mata.

Sana wala nang pagibig
Ang pumagitan saating dalawa.

Sana wala nang kasiyahan
Ang naglapit para tayo'y magkasama.

oo mahal kita,
Pero mahal mo din sya,

Pero maaari ba?
Na mahalin mo kaming dalawa?

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon