Limutin Ka

426 10 0
                                    

Sinubukan ko ng lumayo
Sinubukan ko ng huminto,

Pero eto ako patuloy parin sa pag ibig sayo,
Kahit lahat na ng pag-tigil ay sinubok ko ako ay patuloy na nabibigo.

Bakit ba hindi ako makawala  sabihag mo?
Bakit hindi ako makaligtas sa kulungang ibinigay mo.

Hanggang kailan ako maghihirap?
Hanggang kailan ako magdurusa?
Hanggang kailan ko mararanasan ang parusa?

Para lang mawala ka,
Sa puso't isip ko o aking sinta.

Bat ba kasi nagmahal ka pa ng iba?

Sana hindi ka na umibig pa,
para hindi na ko mahirapang limutin ka.

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon