Nakikitang Musika

674 6 0
                                    

Pinasok ko ang mundo ng kadiliman,
Tanging musika ang kinakapitan,
Tanging tunog ang namamasdan,
Tanging mga salita ang nasa isipan.

Sabi nila'y ang mundo daw ay punong-puno ng kulay,
Sabi nila'y ang mundo daw ay maraming bagay-bagay.

Nangangarap ako na sana isang araw ay
Mapatunayan din ng sarili ko ang
bawat bagay na sa salita lang nag lalayaw.

Maswerte kayo't nakikita nyo ang katunayan at katotohanan,

na ang mundo'y totoong may kulay,
At Totoong maraming mga bagay.

Di katulad ko na dilim lang ang kayang matanaw At tanging musika lang ang kasayaw.

sana inyong pasalamatan poong may kapal,
Para ang biyaya sainyo'y mag tagal.

Kundi dahil sakanya,

Walang kulay,

Walang bagay,

At Walang musika,

Ang magbibigay saatin ng linaw at tunay na pananaw....

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon