Siguro ako,
Siguro ako yung handang magmahal
Pero pinagkaitan ng karapatan,Siguro ako yung handang masaktan
Pero di binigyan ng pagkakataong
Sumagi sa iyong isipan.Ako yung taong iibig sayo,
Hanggang sa kawalan,
hanggang sa hangganan.At ikaw,
Ikaw naman yung pangarap ko,
Na gusto din ng karamihan.Ikaw yung mahal ko
Kaso may ibang nag-mamahal sayo.Ikaw yung tipong madaling mahalin,
Kaya di mo ako kailangan.Kaya hanggang ngayon
Umaasa ako na sana hindi lang
Ang salitang ikaw at ako
ang nasasabi ko.Nangangarap din ako na
Balang araw ay magkakaroon din
Ng tinatawag na tayo.-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...