Bumubuhos ang mga patak mula sa kalangitan,
Kasabay ng mga damdaming nag-uumapaw na nagmumula sa kalungkutan,
Nanggagaling sa mga tanong na
"bakit ka ba ganyan?" ,"bakit ba kailangan mo pa akong iiwan?".Di maiwasan ang alinsangan ng hinagpis na nararamdaman,
Di maiwasang humikbi kasabay ng tunog na nililikha ng ulan,
Pero sabi ko sa sarili ko,
"Saglit lang naman yan ehh", kasi alam ko na saglit nalang ay may liwanag na tatanglaw at pupukaw sa pusong uhaw na uhaw.
May bahagharing matatanaw
Matapos ang kadilimang naglayaw.Saglit nalang ay may init na muling yayakap na sa lamig at tigas ng puso ay tutunaw.
"Konti nalang, mawawala ka din sa isip ko"
-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...