Isang libong bulaklak,
Isang damakmak na damo,Sa lugar na ito nangangarap ako,
Na sana ikaw ay kasama ko,
At ngayong bumubuo ng mga ipinangako mo.Bawat ngiting mula sa ala-ala,
Sakit at luha ang Dama.Bakit ba kasi napaka aga pa,
Pero paglisan na ang iyong dinala,Maaari bang ibalik ang oras?
Oras kung kailan hindi pa wakas?Para maitama mga maling nagawa,
Para maibalik ang bagay na nawala.Para masulit ang oras na wala ka,
Mabago ang ginawang ala-ala?Oo alam kong hindi maaari,
Hindi maaari na makita kitang muli,Paalam kaibigan ko,
Naway sa pagkikita natin,
muling Maging ikaw at ako.-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...