Ayan ka nanaman,
Nakaupo sa sulok at nagbibilang ng minutong nagdaan,Naghihintay para sa isang taong pinapangarap at ninanais na makamtan.
Nagsasayang ng oras sa isang tabi at minimithing makikita ang lalaking hinahanap ng puso't isipan,
Hinahayaang lupipad ang oras sa kawalan at sumusugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Naghihintay sa taong magbabalik ng oras at pagmamahal sa mga nagdaan at sinayang na minuto
"Wag kang mag alala, konting tiis nalang parating na ako..."
-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...