Buhay Kung Wala Ka

376 8 0
                                        


Di makakalimutan ang bawat oras na nagdadaan.

Di lilisan ang sakit at hinagpis na nararamdaman.

Di makikita ang Bukas hanggat pilit kang itinatali ng kahapong di lumilisan.

Itinatago nalang ng mga ngiti ang milyon milyong luhang dapat na ngayon ay tumulo na sa lupa.

Kahit na pag tawa ay punong-puno ng kasinungalingan na ibinubunyag ng iyong mga mata.

Pero sa tingin ko ganito ang tunay na takbo at pag sasalaysay ng storya.

Hindi ko kayang isiping mawawala ka.
Hindi ko kayang isiping mabubuhay akong nagiisa...

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon