Habang nagdadaan ang mga taon,
Mga ala-ala ng pagmamahalan natin ay unti-unti ding lumaon.Sumakay sa agos ng alon papalayo
Saating dalawa na para bang walang pinipiling panahon.Dahan-dahang pumailalim sa balon,
Dahan-dahang inilibing sa lupa't ibinaon.Ngayon ay magkalayo na tayo pero bakas ng mga alalang inukit sa bato ay di
mabura-bura kahit na ang bagyo.Mga ala-alang ipininta sa ulap na kahit humangi'y di matangay kahit na abutin pa ito ng bukang liwayway.
Hanggang kailan mananatili saatin ang ala-ala?
Hanggang kailan nga ba mananatili saatin ang sakit na dinadala?
-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Puisi||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...