Pangarap

3.6K 17 2
                                        

Nahihirapan ako, oo
Nasasaktan ako, oo

Pero iniisip ko nalang na ang lahat ng ito ay pagsubok, pagsubok kung saan kailangan nating lumaban, lumaban para sa ating kinabukasan, kinabukasang inaasam ng karamihan.

Handa akong mahirapan, handa akong masaktan.

Handa akong lumuha,
Handa akong madapa.

Pero pinapangako ko, lahat ng ito ay malalagpasan ko, lahat ng ito ay tatawirin ko.

Walang bitwin ang hindi mapapasaakin, pati ang buwan ay aking sasakupin.

Lahat ng pangarap ko,
Lahat ng pagsisikap ko.

Sigurado ako na balang araw ay makukuha ko ang pwestong inaasam ko sa oras na ninanais ko.

Ayan ang pangarap ko,
Magpursigi kayo at sabay-sabay..
MANGARAP TAYO...

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon