May dahilan daw ang lahat ng bagay,
Lahat daw ito ay may planong tinataglay,Pero yung ikaw?
Yung tayo?
Bakit nawala tapos biglang naging kayo?
Para saan ba ang mga bagay na iyon?
Siguro nagtataka ang karamihan kung
Bakit ang pagmamahal ang dinadahilan
Sa mga kasalanan at sakit na sumugat sa mga nagmamahalan.Lagi nalang pagmamahal, lagi nalang pag-ibig, lahat ng sakit at kasawian ay isinisisi sa mga bagay na kung tawagin ay pag-ibig.
Hindi natin iniisip na kaya tayo nabubuhay ay para din dito.
Sa totoo lang, hindi ang pagmamahal ang nagbibigay ng pighati saatin.
Kundi ang mga kataksilan at kasalanang
Hindi maiiwasan na mangyari.Hindi masakit ang mag mahal...
Masakit ang maloko at iwanan...
-PrinsipeUlan-

BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...