Lagi nalang silang ang tinitingala,
Lahat ng tao sakanila ay humahanga,
Katangian ng mga bituwin,
Liwanag at kasikatan lang ang kayang dalin.Minsan, ako rin ay nangarap na sana ay mapasama ako sakanila ng ganap,
habang kumikinang,kumikislap, at kumukuti-kutitap sa gitna ng mga ulap.Pero ng malaman ko ang katotohanan.
Hindi pala lahat ay kumikinang,
Hindi pala lahat ay kumukutitap,
Hindi pala lahat at kumikiskap,At Hindi pala lahat sila ay masaya sa kinalalagyan nila dahil Sa kalangita'y para bang magkakatabi sila,
pero sa katotohanan ay milyon-milyong distansya ang layo nila sa isat isa,
Ako ay minsang nangarap,
Na sana minsan ay maging isang bituin sa mga ulap.Pero ngayong ako ay namulat,
Papangarapin kong maging ulap at pag isahin ang bituing nagkawatak-watak sa gitna ng langit na madilim at malawak...-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...