Pinapangarap Na Bulaklak

725 11 0
                                    


Sadyang kahali-halina ang taglay mong bango, hindi maikakaila ang ang tamis at ganda ng halimuyak mo.

Marami silang umaaligid sayo kaya sobrang nasasaktan ang damdamin ko.

Minsan gusto kitang protektahan mula sa mga insektong sumisira sayo dahil labis talaga ang pag hanga ko sa kagandahan mo.

Nangangarap ako na balang araw na ako din ay mapapansin mo gaya ng mga bubuyog na nagbibigay ng ganda sayo.

Nangangarap ako na sa isang araw ay malalapit din ako sayo kaso ang sakit isipin na...

"Sino ba naman ako? Ngayong isa lamang akong Damo"

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon