Walang tamang sagot sa mga taong nasaktan.
Walang tamang sagot sa taong
Niloko at iniwanan.Bawat salita ay pawang kasinungalingan lamang at hindi pinaniniwalaan.
Kahit anong paliwanag,
kahit anong pakiusap.Walang sagot sa nag sisidhing damdamin ng taong Pinagtaksilan at walang pakundangang
Dinurog ang puso't sinaktan.Mga taong mailap ang pagpapatawad
Dahil ayaw na nilang muling masaktan at mawalan ng di inaasahan.Ito ay para sa mga taong nakakulong sa kawalan...
Sana muling buksan ang inyong pusong nasugatan, Dahil marami ang nag hihintay na makapasok sa buhay nyo na sinisiguradong hindi na kayo masasaktan kailan pa man...
-PrinsipeUlan-
BINABASA MO ANG
Tula
Poesía||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...