Ilang beses ko ng naririnig
Ang napaka ganda mong tinig,
Ilang beses ko nang nakikita
Ang musika sa iyong mga mata,Ang tunog na nagsasabing mahal kita,
Sabay ng musika na kumakanta,Na sinasabing ako lang din ang iyong sinisinta.
Dumaan ang mga nota ng kilig,
Kasabay ng romansa sa pagtitig,
Lalong lumalalim,lalong nagmamaliw
Ang pagmamahal ko sayo aking giliw.Pero sa isang pagkakamali,
Musika ng harana ay nabali,Naputol ang magagandang tinig,
Na kinalalagyan ng ating pag ibig,Oh lintik na musika ng pag-ibig!
Bakit ako pa ang iyong napili!
Awit ng pagmamahalan ngayo'y di mapawi.Sana hindi na narinig,
At sana hindi na maulit muli,
Pahamak, lintik na musika ng pag-ibig.-PrinsipeUlan-

BINABASA MO ANG
Tula
Poesía||Highest Ranking:#8 in poems|| #11 in Tula || #23 in Poetry||10/14/18|| koleksyon ng mga tulang tagalog na ginawa sa pamamagitan ng mapaglarong isipan at damdamin ng manunulat. tula na nagpapahayag ng ibat ibang damdamin na may kinalaman sa bagay n...