Pag-Pikit

966 11 0
                                    

Sa pag pikit ng aking mga mata,
Tanging liwanag ng iyong mukha ang aking nakikita.

Mga ngiting napaka gaganda,
At ang mga labing mapupula,
Ang nag dadala sa taglay mong itsura,

Imahe ng napaka perpektong dalaga
Ang sa oras na ito'y aking nakikita.

Laking pasasalamat ko na saakin ka,
Saakin ka sumama at hindi sakanya.

Hindi masasabi ng salita ang nararamdaman ko para saiyo,
Tanging ngiti lang kasi ang
Nakapag-papahayag nito.

Mahal na mahal kita higit pa sa iba,
Mahal na mahal kita kaya sana saakin ka.

Pero nang ako ay dumilat,
Sa reyalidad ako ay namulat,

Na ikaw ay hindi saakin,
At ako ay hindi sa iyo.

Bakit ba nga naman kasi
kailangan pa kitang makita,
sa mga panahong nakapikit ang aking mga mata?

Ako ay pinapaasa lang ng aking nakikita, Ako pala'y sawi at walang pag-asa,

Basta ang masasabi ko mahal kita,

Habang buhay nalang ba ako pipikit mapa saakin ka lang aking sinta?

-PrinsipeUlan-

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon