Mali Bang Mahalin Kita

506 10 0
                                    

Tuwing nakangiti ka di ko mawari kung bakit gumuguhit din ang saya sa aking mga labi.

Di ko malaman kung bakit di ako makaiwas sa napaka ganda mong mga ngisi.

Sa mga oras na ito ay naiisip kita,
Naiisip kita kaya ngayon ay napupuno nanaman ako ng saya.

Lumalarawan kasi sa aking harap ang mga mata mong magaganda noong kasama kita.

Hahaha, nakakatawang isipin pero eto nanaman ako, nagpapakatanga,
Tumatawa at kunyaring masaya
Sa mga oras na kasama mo sya.

Nalaman ko na hindi pala ako ang sanhi ng iyong pag ngiti,

Hindi ako ang sanhi ng saya sa iyong mga labi,

Pasensya na,
Mali bang umasa?
Mali bang sumaya pag kasama kita?

At...

Mali bang mahalin kita ng higit pa sa ginagawa nya?.......

-PrinsipeUlan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon