Wewe's
"Who is that woman? Why did she call you Lia?"
As soon as the front door closed, Apollo confronted me about the grocery incident – isang bagay na hindi ko naman alam kung paano sasagutin kasi kahit ako ay hindi ko alam kung anong nangyayari.
Hindi ko kilala ang babaeng iyon but she called me Lia. I haven't heard that name for years... I sighed and sat on the couch. I was only looking at the nothingness in front of me. I could hear Apollo walking towards me. He was pacing back and forth in front of me. Wala akong ibang naiisip sa ngayon kung hindi ang sabihin na sa kanya ang totoo.
Sasabihin ko na ba? I finally looked at him. Madilim na madilim ang mukha ni Apollo.
"Hindi ko alam..." Iyon naman ang totoo. Hindi ko alam kung sino ang babae at kung bakit niya ako tinawag na Lia. Wala akong idea.
"She hugged you, Wewe. Tapos hindi mo kilala? Siya ba ang dahilan kung bakit parang kay lalim palagi ng iniisip mo?"
Napanganga ako. Napapansin niya ba?" I sighed.
"Hindi, Apollo. Hindi ko talaga siya kilala. I was only being nice so I let her hug me. I am confused as fuck too. Sorry kung nag-aalala ka sa akin. I... I..." I bit my lower lip. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Apollo sat beside me and took my hand.
"Baby, I know that something has changed." Malungkot na wika niya. "Hindi ko alam kung dahil ba sa gusto kitang pakasalan. Are you scared? Don't you wanna marry me---"
"Apollo, gusto ko... Gusto ko..."
"Then why are you acting like that? Ever since the first night I popped the question lumalayo na ang loob mo sa akin at sa pakiramdam ko, habang tumatagal, araw-araw na nilalayo mo ang loob mo sa relasyong ito. Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba? Nasa Texas ba? Kaya ba palagi kang bumabalik doon?"
Punong-puno nang hinanakit ang boses niya at parang kutsilyo iyong tumatarak sa puso ko. I was biting my lower lip. Napapauluha na ako.
"Kasi kung hindi mo na ako mahal, sabihin mo sa akin, Wewe. All my life I needed to work hard for the people I love to think that I deserve their love. Ikaw ang kauna-unahang taong nagparamdam sa akin na hindi ko kailangang magpakahirap para mahalin mo because I deserve it. Hindi mo na ba ako mahal? Iyon ba iyong palagi mong iniisip?"
"Hindi, Pol..." Napahikbi ako. "Mahal na mahal kita. I am more than willing to give up everything just to be with you. I wanna marry you, Apollo. God knows how much I want to marry you! I wanna be with you." Napahagulgol na ako.
He was just looking at me. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin o kapag itinantwa niya ako dahil sa sikretong pilit kong inaayos para hindi na siya masaktan pa. He had gone through so much and I want to be his sanctuary. I don't want to lose his love – lalo na ang pagtitiwalang mayroon siya sa akin.
"There is something that you're not telling me, Sabrina..." May diin sa bawat katagang binibitiwan niya.
I kept my mouth shut. Alam kong naghihintay siya sa akin, na baka sabihin ko sa kanya ang mga bagay na itinatago ko pero hindi ko pa kaya. Mahal ko si Apollo, pero ayokong masaktan siya – but now, as I realize it, nasasaktan rin pala siya sa mga ginagawa ko. If only things are way simpler than this, maybe I can tell him.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I love you. That's the only thing that I'm sure of right now." Sabi ko sa kanya hoping that would comfort him pero binitiwan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Locked Away
Ficción GeneralFinally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life. Sabrina, is very much in love with Apollo too, she wanted to be with him for as long as forever ta...
