08. Little by little

75.5K 2.7K 321
                                    

Pol's

"Aww! Aww! Aww!"

It's such a nice view. Seeing the love of my life wearing the ring I gave her. Ginagamot niya ang sugat ko. Nakakandong siya sa akin at habang pinapahiran niya ng bulak na may betadine ang gilid ng labi ko ay kunot na kunot ang noo niya. Nakahawak naman ako sa baywang niya. I love that expression in her face para bang nayayamot siya na hindi naman talaga.

"Another round, my love?" I asked her sexily. Dinutdot niya ang gilid ng labi ko.

"Hindi ka pa ba pagod?"

"Hindi pa nga tayo nakaka-eight rounds." Malokong sabi ko. Lumabi siya at tinitigan ako nang mata sa mata.


"Gusto ko siyang makita."

Kumunot ang noo ko. Alam ko kung sinong sinasabi niyang gusto niyang makita. Hindi ako papayag na magkita silang dalawa. Matapos ng lahat ng ginawa niya kay Wewe, makikipagkita pa siya dito?

"Sira ulo ka ba? Sinaksak ka noon?!" Nasigawan ko siya. "Tapos gusto mo siyang makita? Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Bakit? Hahayaan mo bang masaktan ako?" Balik tanong niya. Hindi naman ako nakakibo. Kunsabagay. Hindi ko nga naman hahayaang mahawakan siya ng lalaking iyon. I cupped her face.

"I won't let anything bad happen to you, Dwarfie." She smiled.

"Iyon naman pala. I just wanna see him. Please, please, Apollo. Let me see him."

"Fine. Pero dapat thirty meters away from him ka. Hindi ka pwedeng lumapit. Hindi mo siya pwedeng kausapin." Istriktong sabi ko. Tumango naman si Wewe sa akin at saka ako niyakap.

"Thank you for everything. I love you so much. You are my happiness." Hinalikan ko siya sa gilid ng ulo niya at hinayaan na siyang gamutin ang sugat ko. At night, siya na rin ang naghanda ng hapunan. Gusto ko siyang tulungan pero she insisted na kailangan kong ipahinga ang mga kamao ko.

Pakiramdam ko ang swerte – swerte ko kay Wewe. I was smiling from ear to ear while I was watching her cook. Noong una kaming nagpunta dito sa cabin ko hindi niya maabot ang lababo. Pangmalaking tao nga daw kasi iyon kaya ang ginawa ko, pinagawan ko siya ng upuan kung saan tutuntong siya kapag siya ang maghuhugas o magluluto. She's very cute. Her cuteness always makes my day.

"Maluluto na ito, Pol. Maligo ka na ha." Sigaw niya. Napapalatak ako. "Maligo na!" Sigaw niya pa.

"Oo nga. Teka may nag-doorbell." Sabi ko kahit wala naman. Naligo naman ako kaninang umaga. Bukas na ulit pero dahil sinabi niya gagawin ko. I just needed to puff to relieve my stress. Paglabas ko nakita kong nakaupo si Tia sa baitang ng porch ko. Napalingon siya tapos ay ngumiti siya sa akin.

"Hello Kuya!" She greeted me. Napasimangot ako.

"Ano na namang problema mo?" I asked her. Tinabihan ko siya.


"Wala." Nang magkatabi na kami ay bigla niya akong niyakap. Nanigas ang buong katawan ko. Mahal ko si Tia pero hindi kami ganito ka-close. Nayayamot kasi ako sa ugali niyang lalong pinaglalalim ng pakikitungo ni Achilles sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang amuyin ang leeg ko.


"I had always love the way you smell, Kuya. Amoy fresh wood. Naalala mo noon kapag nasa Scotland tayo tapos simula nang Spring, iyong amoy sa kwarto ko na malapit sa gubat mismo sa loob ng land ni Papa doon? It had always reminded me of you. I love you, Kuya kaya lang panay mo akong inaaway." Nakangusong sabi niya. Tumawa pa siya.

"May lagnat ka ba?"

"Wala." Ipinakita niya sa akin iyong bracelet niya. It was a tennis bracelet. Gift ko iyon sa kanya noong graduation niya.

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon